Thursday, December 20, 2018

MASAYA ANG PASKO NG MGA MANDARAYA 2016!

Image result for images for recount are of bongbong marcos protest
ANG RECOUNT AREA PARA SA  BONGBONG MARCOS PROTEST

Tiyak na super saya ang Pasko ng mga MANDARAYA noong 2016 election. Hindi lang ang mga mismong gumawa kundi pati na ang kanilang mga protektor, at mga BOSS!

Mahigit dalawang taon na ang nakalipas pero HANGGANG NGAYON KAHIT ISA, WALANG NAPAPARUSAHAN O NAKAKASUHAN. WALA rin anumang indikasyon hanggang ngayon na mayroong anumang tuloy-tuloy na aksiyon/imbestigasyon para mapalabas ang katotohanan at makulong ang mga dapat magdusa.

Kahit na KALIWA’T-KANAN na ang ebidensiya at matibay na senyales ng dayaan: BASA, PUNIT-PUNIT AMOY KEMIKAL o may mga paso ng sigarilyong balota; pagpapadala ng mga resulta KUNO ng halalan sa bayan ng Ragay sa Camarines Sur ISANG ARAW PA BAGO ANG AKTWAL NA HALALAN; mga PEKENG BOTANTE sa tatlong probinsiya sa ARMM na ibinulgar ng dating gubernador  ng Sulu  at HINDI MAPASINUNGALINGAN ng Comelec; pre-shaded ballots para kay Leni Robredo; mga SD cards na may lamang data ng halalan pero nauna nang idineklara ng Comelec na hindi nagamit; HINDI AWTORISADONG PAGBABAGO ng Smartmatic sa transparency server noong gabi ng eleksiyon na AYAW IPAKITA NG COMELEC HANGGANG NGAYON  at marami pang iba.

Kaya’t maeenjoy na naman ng mga MANDARAYA 2016 ang MILYON-MILYON o baka nga DAAN-DAANG MILYON pa nilang kinita mula sa KAWALANGHIYAAN nila ng walang anumang kaba o palatandaan na dapat na silang kabahan dahil maaparusahan na sila.

Ano kaya ang lasa ng mga pagkain o inumin na mula sa PANDARAYA sa eleksiyon? Ng pakiramdam ng mga gamit pansarili tulad ng damit na nabili ng bayad ng mga mandaraya?

Sinabi ko na minsan at uulitin ko ngayon:  Humanda tayo sa MAS MALAWAKANG DAYAAN sa eleksiyon sa isang taon.30
                                                      


No comments:

Post a Comment