Friday, September 21, 2018

WALA NAMAN TALAGANG ALAM NANAY MO, NOYNOY!


Image result for images for enrile and cory aquino
Kay Noynoy Aquino: Huwag ka nang humirit sa sinabi ni dating Sen. Juan Ponce Enrile na WALA namang alam ang nanay mo na si Cory sa governance o pagpapatakbo ng bansa nang maging presidente siya kapalit ni Ferdinand Marcos. Dahil TOTOO NAMAN IYON.

Ang tunay na LALAKI o MAGINOO, Noynoy, ay iyong marunong tumanggap ng KATOTOHANAN, ke tungkol sa kaniya o sa mahal niya sa buhay. AROGANTE AT MAYABANG lamang ang kokontra sa katotohanan kahit na wala siyang ebidenisya kundi salita lamang.

Mismong si Cory, Noynoy, ang nagsabing siya’y isang ordinaryong housewife lamang na naging presidente. Tanda pa ng sambayanan iyan. At kahit kailan naman ay hindi nahalal sa anumang posisyon si Cory bago ito naging presidente. Kaya saan mang anggulo tingnan, Noynoy, WALA kang mailulusot.

Kaya kung makikipagpilitan ka, Noynoy, siguraduhin mong may super-tindi kang pisikal na basehan na kontra sa sinabi ni Enrile, may alam sa governance ang nanay mo.

Dahil kung WALA, Noy, bukod sa maghmumukha kang TANGA ay tiyak na may MAGHAHALUKAY bigla ng lahat-lahat tungkol kay Cory at sa pamilya ninyo.  Kasama na ang anumang wala kayong balak ipaalam sa publiko.

Kaya ba ng dibdib mo, at ng mga kapatid mo, ang ganong sitwasyon kung sakali?
                                                                        ***
Guys. if you will notice, may mga ads na sa blog natin na forumphilippines. From google ad sense. Baka puwedeng pakisuportahan na rin natin ang mga ads by clicking them.. Salamat lagi sa patuloy na tiwala. God Bless us all. 30 




No comments:

Post a Comment