Sunday, March 24, 2019

19 NA DAHILAN PARA ZERO 8 DERECHO SA ELEKSIYON!


Image result for images for ocho derecho senatorial candidates

Kung KATOTOHANAN at KATARUNGAN ang gusto ninyong mangyari pagkatapos ng eleksiyon sa Mayo, heto ang 19 NA DAHILAN para huwag ninyong iboto ang Ocho Derecho at ang iba pang mga kandidato ng Liberal Party:

P12-B road right of way scam, P10-B PDAF, P17-B DAP, P3.8-B license plates na bayad na pero ilang buwan na ay HINDI PA NAIRELEASE, ang hindi pa maipaliwanag ng detalyado na P90-B ‘Yolanda’ fund,  P296-milyong (M)  tabi-tabing toilet bowl sa mga istasyon ng Philippine National Railways, P1.9-B na OVERPRICE sa mga Mahindra police vehicles, P10-M na flagpole, P12-M na kahoy na tulay, P3.5-B Dengvaxia scandal, maanomalyang P38-B na passport printing scam, P1.4-B na police combat at  patrol gear scandal, P10.6-B na mga health center na HINDI NATAPOS, P3.8-B na mga depektibo o maling bagon para sa MRT, market o merkado ng mga ilegal na droga sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa at maanomalyang maintenance contract para sa MRT-3.

HUWAG DIN NATING KALIMUTAN ang massacre ng SAF 44, at ang KAWALAN NG REINFORCEMENT para sa kanila sa humigit-kumulang na 10 ORAS SILANG NAKIKIPAGLABAN; ang pagkawala ng halos 2,000 container vans sa Customs na naglalaman ng sari-saring KUMPISKADONG ITEMS at ang pagkakasangkot ng ate ni Noynoy na si Ballsy sa diumano’y extortion attempt sa foreign company na gumagawa ng mga bagon para sa MRT.

Tulad ng nabanggit ko sa sinundang blog nito…hanggang sa matapos ang termino ni Noynoy Aquino, KAHIT ISA AY WALANG NAPARUSAHAN dahil sa anuman sa mga ito.

Kung noong ang Liberal Party at si Noynoy ang mga hari ay WALANG NARESOLBA AT NAPARUSAHAN sa mga KAWALANGHIYAANG ITO, kabobohang isipin ninuman na may malulutas na kung Ocho Derecho, at iba pang LP, ang iboboto pa rin sa darating na eleksiyon. Kumontra na ang kokontra.
                                                                  ***
Makakatulong  po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30


No comments:

Post a Comment