Thursday, November 15, 2018

SA SANDIGANBAYAN KAYO DUMALDAL, HUWAG SA MEDIA!

Image result for images for sarah elago
ELAGO
Tulad ng dapat asahan, umaangal nang parang BABOY NA KAKATAYIN ang mga anti-Marcos congressmen sa pagkakaloob ng Sandiganbayan ng P150,000 na piyansa kay dating First Lady Marcos.

Bago ko isa-isahin, ito lang ang bibigyang-diin ko: SA SANDIGANBAYAN KAYO MAGREKLAMO, HUWAG SA MEDIA. Doon ninyo ipakita ang tapang ninyo, lug talagang matapang kayo. Hindi iyang sa MEDIA KAYO NANGHIHIRAM NG TAPANG!


 “Very double standard! Very shameful of the high magistrates of the Sandiganbayan bowing down to the high and mighty Marcoses for the whole world to see..” --Anakpawis Rep. Ariel Casilao.

Kabataan Rep. Sarah Elago: “Yung P150,000 bail kay Imelda, piso sale lang kung ikukumpara sa bilyon na ninakaw nila sa bayan. Ang cheap.” Albay 1st District Rep. Edcel Lagman : Mrs. Marcos remains a “prisoner of her own conscience.” Akbayan Rep. Tom Villarin:”not a matter to be taken lightly and dismiss on account of her age and health conditions.”

Sandiganbayan ang MASUSUNOD, MAGDEDESISYON, sa anumang may kaugnayan sa kaso ni Mrs. Marcos. HINDI KAYO! HINDI SINUMAN SA INYO! Wala kayong tigil sa kakareklamo pero sa mga KAWALANGHIYAAN noong Noynoy Aquino Adminiustration tulad ng DAP, nawawalang ‘Yolanda’ funds, maanomalyang maintenance contract sa MRT-3, nawawalang Malampaya funds at maramipang iba, KAHIT MINSAN HINDI KAYO UMANGAL.

Kung hindi kayo marunong pumarehas, mahiya kayo kahit konti at manahimik na lang kayo. Kung hindi kayo marunong GUMALANG SA DESISYON ng Sandiganbayan, wala kayong karapatang maging mambabatas.
                                                                ***
Salamat sa mga patuloy na nagki-click sa mga advertisement sa paligid ng ating blog. Malaking tulong ito para tuloy-tuloy, araw-araw kong maipost ang forumphilippines. God Bless you all! 30




3 comments:

  1. Dapat lng igalang ang desisyon ng Sandigang Bayan na maka pag-piyansa ang dating unang Ginang Imelda Marcos, sila ang nakakaalam ng bagay na ito...Ang mga nagsasalita tungkol dito ay mat galit sa puso, siyasatin ninyo muna ang inyong mga konsensya, ito ba ay busilak at wala man lamang ng bahid ng kamalian na nagawa, maging makatao...

    ReplyDelete
  2. Ang kakapal nga ng pagmumukha ng mga mambabatas kuno na mga yan.. IGNORANTE sila sa batas pag kalaban ay pinaboran! Napaghahalata tuloy na mga lap dogs sila ng mga yellowshits at oligarchs

    ReplyDelete
  3. Ang kakapal nga ng pagmumukha ng mga mambabatas kuno na mga yan.. IGNORANTE sila sa batas pag kalaban ay pinaboran! Napaghahalata tuloy na mga lap dogs sila ng mga yellowshits at oligarchs

    ReplyDelete