Sumugod sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) sa
Taguig City ang ilang demonstrador, bitbit ang mga pala at suot ang mga T-shirt
na may nakasulat na "HUKAYIN" para iprotesta ang pananatili roon ng
labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. PERO HINDI NAMAN NILA HINUKAY ang
puntod ng dating Pangulo. Kuntodo dala pa ng pala, PAMPORMA/DEKORASYON lang
pala.
Banat naman ni dating Commission on Human
Rights chair Loretta Rosales: "Napakita
ng korte na sila ay mandarambog at magnanakaw."
MALIWANAG PA SIKAT NG ARAW na si IMELDA
LAMANG ang nahatulan at HINDI PATI SI FERDINAND. Kaya saan man daanin, MALAKING
KATANGAHAN AT KABASTUSAN para isipin man lamang ninuman na dapat ding madamay
si Ferdinand at ang kaniyang mga labi. At kung IPIPILIT ITO ay hindi
maikakailang PANLOLOKO sa sambayanan.
Ang iba namang lider ng Dilaw at ng iba pang
kakampi ng Oposisyon tulad ni Leni Robredo at mga maka-kaliwang congressman, WALANG
TIGIL AS IN sa paulit-ulit na banat sa pagbibigay ng piyansa kay Mrs. Marcos.
Pero HINDI NAMAN NILA KAYANG AWAYIN ng
derecho ang mga justice ng Sandiganbayan na naghatol kay Imelda.
HINDI NILA MASUGOD, HINDI NILA
MAIREKLAMO sa Korte Suprema. Puro lang
sa national media PUTAK NG PUTAK na parang mga kakataying manok na bakla
Kung talagang matatapang kayo, TAMA NA ANG
DALDAL. UMAKSIYON NA KAYO DERECHO, at nang magkaalaman na kung sino ang
sino. Hindi iyang sa national media kayo
NANGHIHIRAM NG TAPANG. NOW NA!
***
Salamat sa mga patuloy na nagki-click sa mga advertisement sa
paligid ng ating blog. Malaking tulong ito para tuloy-tuloy, araw-araw kong
maipost ang forumphilippines. God Bless you all! 30
No comments:
Post a Comment