Friday, November 16, 2018

SO WHAT IF YOU’RE SAD ABOUT IMELDA BAIL?


Philippine Vice President Leni Robredo speaks during a press conference in Quezon City, the Philippines, on Dec. 5, 2016
In a story in http://www.gmanetwork.com/news/news/nation/675100/robredo-happy-about-imelda-marcos-conviction-but-sad-about-p150-000-bail/story/?just_in, Leni Robredo said she was happy about former First Lady Imelda Marcos' conviction, but sad about the P150,000 bail granted her.

WHO THE HELL CARES IF YOU’RE SAD, Robredo?

Kayo lang ng kulto ninyong mga DESPERADO sa Oposisyon ang daig pa ang puwit ng manok sa WALANG TIGIL ninyong kakaangal sa piyansang binigay kay Mrs. Marcos.  National o social media man, WALA NI ISANG  MALAKING SAMAHAN ng mga neutral mula sa sambayanan ang nagpahayag na ng suporta sa inyo. Ni isang rally, WALA kayong magawa para tirahn ang piyansa. Mga PATUNAY NA WALA KAYONG SUPORTA mula sa sambayanan.

Kaya HABANGBUHAY ka mang malungkot, Robredo, WALANG PAKIALAM ang sambayanan. At bale-wala naman kayo ng kulto ninyo sa Sandiganbayan. Ano ang pruweba: HINDI NA NAGLABAS ng arrest warrant para kay Mrs. Marcos, binigyan pa siya ng pagkakataong magpiyansa.

Humirit pa si Robredo ng ganito: “Kapag may pera ka, o mataas iyong estado mo sa buhay, makakatakas ka sa kaparusahan? Pero iyong mga mahihirap, na mas maliit iyong mga pagkakasalang nagawa, nagsa-suffer ng imprisonment.”

Nagpaka-DOBLE KARA ka pa. Iyong padrino mong si Noynoy Aquino, KABI-KABILA na ang kaso dahil sa iskandalong dulot ng Dengvaxia. Umabot na sa 100 ang mga batang naturukan ng Dengvaxia na namatay. Pero ni ha, ni ho, WALA KANG INIREREKLAMO.

Masahol ka pa sa bulag, pipi at bingi na ng 100 taon.  Hindi mo magawang manawagan para imbestigahan  at kasuhan agad si Noynoy sa korte. Pero sa kaso ni Mrs. Marcos, WAGAS to the max kung makareklamo ka. Daig mo pa iyong biktima KUNO. DOBLE-KARA ka na, ipokrita ka pa.

Panghuli, abogada ka rin kamo. Pero BINABALE-WALA mo ang katotohanan na MISMONG ANG BATAS ang nagsasabi na MAAARI namang magpiyansa si Mrs. Marcos at umapila.  Anong klaseng abogada ka kung gayon?

Kumontra na ang kokontra. 
                                                              ***
Salamat sa mga patuloy na nagki-click sa mga advertisement sa paligid ng ating blog. Malaking tulong ito para tuloy-tuloy, araw-araw kong maipost ang forumphilippines. God Bless you all! 30 




No comments:

Post a Comment