Thursday, November 15, 2018

ANTI-DUTERTE, NAUUBUSAN NA NG BALA!


Image result for images of digong duterte
Sa aminin o hindi ng mga anti-Duterte, NAUUBUSAN NA sila ng bala kontra sa Pangulo. Pati PAGPAPAHINGA ni Digong, ginagawa nang issue.

Sa isang balita sa https://newsinfo.inquirer.net/1053919/solons-hit-sleeping-duterte-at-asean-summit-want-his-medical-report, sinabi ni ACT Teachers Rep. France Castro: “Sayang lang ang pondo ng bayan sa isang sleeping president. Hindi nya minaximize ang pagkakataon upang makausap ang mga lider ng mga bansa kaugnay ng mga problema ng ating bansa.” Magdalo Rep. Gary Alejano said Duterte’s absence from some ASEAN events showed the President’s “disinterest in engaging with our ASEAN neighbors” and lack of “enthusiasm and camaraderie to our neighbor countries and the rest of the international community.”

Una: HINDI BAWAL na magpahinga ang Presidente. Pangalawa: Wala ring nababalitang regulasyon sa ASEAN na OBLIGADO  ang  lahat na umattend sa lahat ng functions. Pangatlo: HINDI AT HINDI KAILANMAN naging presidente ng bansa sina Alejano at Castro. Mga Pangulo o pinuno ng bansa lamang ang kasali sa ASEAN. Kaya’t  WALA SILANG MORAL O PROFESSIONAL na KARAPATAN o basehan para husgahan ang anumang ikilos ni Digong sa ASEAN.

Sino kayo sa akala ninyo?

Isa pa, si Franklin Drilon ilang beses nang nakunan ng litrato na natutulog sa Senado. BAKIT KAHIT KAILAN, HINDI kayo kumibo? TAKOT KAYO, O NAMIMILI lang kayo ng titirahin?

Puro kayo AMATEUR! Maliwanag na WALA na kayong bala kontra kay Digong, na WALA nang mga laman iyang mga utak ninyo. Lalo, lamang ninyong pinasisikat iyong tao, at SINISIRA ang mga SARILI NINYO.
                                                           ***
Salamat sa mga patuloy na nagki-click sa mga advertisement sa paligid ng ating blog. Malaking tulong ito para tuloy-tuloy, araw-araw kong maipost ang forumphilippines. God Bless you all! 30


2 comments:

  1. Anything under the sun about the president is soooooo precious to the opposition! May magagamit silang issue against him.. mga desperado!

    ReplyDelete
  2. Anything under the sun about the president is soooooo precious to the opposition! May magagamit silang issue against him.. mga desperado!

    ReplyDelete