Wednesday, November 14, 2018

PATUNAYAN NINYONG $10B ANG NINAKAW NG MGA MARCOS


Image result for images for the marcoses
Ayaw din lang tantanan si dating First Lady Imelda Marcos kahit na nasa batas naman na  PUWEDE PA SIYANG UMAPELA AT HINDI MUNA ARESTUHIN, heto:

Kayong mga anti-Marcos, PATUNAYAN NINYO ANG INUULIT-ULIT na naman ninyong $10 bilyon ang ninakaw ng mga Marcos. MAGLABAS KAYO NG EBIDENSIYA, PISIKAL NA EBIDENSIYA. HINDI PUWEDENG SALITA LAMANG.

Itama ako AGAD-AGAD ninuman kung mali ako:

Ilampung taon nang paulit-ulit na pinagpipilitan ng mga anti-Marcos na $10 bilyon ang ninakaw ng mga Marcos. Pero HANGGANG NGAYON, KAHIT ISANG PIRASONG pisikal na ebidensiya ay walang mailabas ang kahit na sino – DETALYADONG KUWENTA o computation, DETALYADONG PALIWANAG ng sinumang accountant o auditor o sinumang DIREKTANG MAY KINALAMAN SA NAKAWAN KUNO at mga ebidensiya niya, cash flow at iba pang may kaugnayan na mga papeles o aktibidad.

Puro PRESS RELEASE, ng mga kilalang kalaban ng mga Marcos at mga Komunistang rbelde o mga maka-Kaliwa. Mga press release na WALA silang pinapakitang anumang ebidensiya.

At huwag magkalimutan, WALA pang korte sa buong mundo na nagconvict na sa mga Marcos ng pagnanakaw.Iyong sa Hawaii, CIVIL case iyon. Kapag pagnanakaw, CRIMINAL CASE.

Kaya tama na ang DALDAL. Labasan na agad ng ebidensiya. Para MAGKAALAMAN na agad kung sino ang SINUNGALING, ANG TSISMOSO, at hindi. Masyado nang nagmumukhang PUGAD NG TSISMIS, NG PANINIRA, ang ating bayan. Pati media, INAABUSO ninyo to the max.

 Kumontra na ang kokontra. Siguruhin lang na naiintindihan na HINDI KO SINASABIN G INOSENTE ang mga Marcos. Na katotohanan lamang ang habol ko.
                                                      ***
Salamat sa mga patuloy na nagki-click sa mga advertisement sa paligid ng ating blog. Malaking tulong ito para tuloy-tuloy, araw-araw kong maipost ang forumphilippines. God Bless you all! 30



1 comment: