Friday, November 23, 2018

HINDI ABOGADO NG GMA NEWS ANG GOBYERNO!


Image result for images for francis pangilinan and antonio trillanes
A story in http://www.gmanetwork.com/news/news/nation/675835/senators-urge-protest-vs-china-over-harassment-of-reporter-s-notebook-crew/story/?just_in says  according to Francis Pangilinan, Antonio Trillanes and Joel Villanueva, the Philippines should file a diplomatic protest for the refusal of China Coast Guard personnel to allow a GMA TV crew to shoot a documentary at the Panatag Shoal.

FOR THE RECORD, I also do not agree 1,001 percent to what happened. But let’s be REALISTIC before government critics even try to twist our minds to their self-serving propaganda gimmicks:

Una: GMA TV ang naperhuwisyo, HINDI ANG BANSA. Kaya GMA news  ANG DAPAT MAUNANG MAGPROTESTA sa anumang paraan na sa tingin nila ay nararapat.  HINDI kailangang mauna pa ang gobyerno. Lalo namang HINDI ABOGADO ng GMA news ang gobyerno para ito ang kumilos agad at hindi ang kompanya.

Pangalawa: INTERES LAMANG ng GMA news at ng programang paggagamitan sana ng documentary, ang “Reporters’ Notebook,” ang naapektuhan ng hindi maganda ng pagharang ng China Coast Guard personnel. HINDI ANG INTERES ng bansa. Lalo namang HINDI SIMBOLO ng bansa ang GMA news. At HINDI RIN IISA LAMANG ang Pilipinas at ang kompanya. Kaya’t OVERACTING TO THE MAX, o ‘nagpapa-pogi’ lamang, sa GMA ang sinumang magsabi na diplomatic protest agad ang dapat ihain ng gobyerno.

Pangatlo: WALA namang sinaktan o pinatay sa crew ng GMA news. Simple lamang ang nangyari: Pinagbawalan silang pumasok sa isang lugar ng mga tauhan ng nagaakalang may-ari noon. At tandaan nating lahat, HINDI PA NAEENFORCE ang panalo natin noon laban sa China sa international court.
Tapos, diplomatic protest agad-agad  ang gusto nina Pangilinan, Trillanes at Villanueva?

Sabi nga ng kabataan ngayon, ISIP-ISIP PAG MAY TIME!
                                                      ***
Salamat sa mga patuloy na nagki-click sa mga advertisement sa paligid ng ating blog. Malaking tulong ito para tuloy-tuloy, araw-araw kong maipost ang forumphilippines. God Bless you all! 30

   

No comments:

Post a Comment