Friday, November 2, 2018

‘ANO PA BA ANG HINIHINTAY NI CAGUIOA?’


Image result for images of bongbong marcos
Mula ito sa isa kong personal na kaibigan  na abogado:

“Ano pa ba ang hnihintay ni (Bongbong Marcos protest  supervising) Justice (Alfredo Benjamin) Caguioa?

“Napakarami nang ebidensiya na nagkaroon ng dayaan noong  2016 vice-presidential election. At kahit isa, WALANG MAKAPAGPATUNAY (emphasis mine) hanggang ngayon na ang mga ebidensiya ay peke o gawa-gawa lamang. Lalo na iyong mga preshaded ballots sa pangalan ni Leni (Robredo).

“Ano’t walang nababalita hanggang ngayon na nakademanda na o suspendido man lang na sa trabaho?  Ano ang hinihintay niya, may umamin muna?  Kalokohan iyon.

“Sobra-sobra nang  mademanda ang mga nagcustody o nagtago sa mga balotang nabasa, punit-punit, amoy kemika, mga ballot box na puwersahang binuksan at ninakawan ng mga dokumento, pagpapadala ng resulta kuno ng eleksiyon sa Ragay, Camarines Sur ISANG ARAW BAGO ANG AKTWAL NA BOTOHAN (emphasis mine)  at kung ano-ano pa.  Nandiyan ang mga ebidensiya.

“Bakit ayaw aksiyunan ni  Justice Caguioa? Kung sasabihin naman niyang umaksiyon o umaaksiyon na siya pero hindi niya lang sinasabi sa media,  bakit? Ano meron at kailangan niyang itago iyon sa media, at sa sambayanan?

“At ang mabigat pa, lantarang binastos ng kampo ni Leni ang Presidential Electoral Tribunal (PET) nang magsinungaling sila sa media na nanalo sa PET ang petisyon nila sa 25 percent ballot shading threshold.  Pero pati doon ay  walang aksiyon, walang sinabi anuman man lang si Justice Caguioa. Lantaran tayong ginagago sa mga nangyayari sa protesta ni Bongbong?  Ano ba meron kay Justice Caguioa?”

Kumontra na ang kokontra.
                                                            ***
May mga nagsisimula nang magtanong kung kumikita ba raw ako sa mga sinusulat ko, lalo pa sa mga pro-bongbong marcos na blogs ko: Ang sagot ko: WALA. Walang nagbabayad sa akin na sinumang, pro-bngbong group man o tao, para idepensa ko si bongbong at banatan si Leni Robredo. Maaaring iverify ng kahit na sino sa kahit na kaninong tao o grupo anumang oras.  Kung natatandaa ninyo, mga kababayan, umapila na nga ako ng tulong sa inyo para patuloy akong makapagpost sa pamamagitan ng pag-click at pagtingin ninyo sa mga advertsements sa paligid ng ating blog. Again, pwedeng iverify ng kahit na sino sa kanit na kaninong grupo o tao anumang oras.30



No comments:

Post a Comment