Kay Senate President Tito Sotto: ILABAS mo na
ang sinasabi mong testigo na makapagpapatunay ng dayaan noong 2016 election.
Humigit-kumulang sa dalawang buwan na mula
nang sabihin mong ilalantad mo na ang testigo, at nang magkaalaman na sa
katotohanan sa mga nangyaring dayaan. Bakit
hindi mo pa magawa, sir? Ano pa ang problema?
Uminit na ang usapang eleksiyon ngayon pa
lamang sa marami nang lugar. Kanya-Kanya nang gimik sa national at social media
ang mga kandidato. Pero hanggang ngayon WALANG ANUMANG INDIKASYON O SIGN. Sa Comelec
man o sa Presidential Electoral Tribunal (PET), na lalabas na ang katotohanan.
Katulad ng nabanggit ko sa sinundang blog
nito, WALANG NABABALITA KAHIT ISANG TAO na kinasuhan na o sinuspinde man lamang
sa trabaho at kasalukuyan nang iniimbestigahan ng Comelec man o ng PET. Kahit
KABI-KABILA na ang mga PISIKAL NA EBIDENSIYA.
Lantaran na ngang binabale-wala ang mga
ebidensiya, TULOY PA RIN ANG NEWS BLACKOUT sa MGA NANGYAYARI O NADIDISKUBRE sa recount
ng mga botong sakop ng protesta ni Bongbong Marcos laban kay Leni Robredo.
LUGING-LUGING LUGI na ang sambayanan, Mr.
Senate President. Ikaw at ang testigo mo, at si Atty. Glenn Chong na lamang,
ang pagasa namin sa katotohanan at katarungan.
Huwag mo nang patagalin pa, Mr. Senate
President. Dahil kung HINDI ILALANTAD AT MAPIPIGILAN ang mga MANDARAYA noong
2016 election, SIGURADONG MAS HARAPAN, MALALA AT MALA-DEMONYO ang dayaan sa
isang taon.
Kapag nangyari iyon, Diyos na lamang ang
nakakaalam kung ano ang susunod na magaganap sa bansa natin. 30
No comments:
Post a Comment