Thursday, November 8, 2018

PARAISO NA TAYO NG MGA MANDARAYA!


Image result for images of bongbong marcos protest recount area
Piso manalo isang libo, NGISING ASO na ang mga MANDARAYA noong 2016 election.

KABI-KABILA na ang PISIKAL NA EBIDENSIYA NG DAYAAN, tukoy ang mga lugar na puinangyarihan ng dayaan at ang mga taong responsable sa mga lugar na iyon, pati na ang mga maaaring makapagbigay ng liwanag sa mga KATARANTADUHAN!

Pero KAHIT ISA sa mga MANDARAYA, o posibleng mandaraya, WALANG NAGAGALAW hanggang ngayon. WALANG NAKAKASUHAN, WALANG NABABALITANG INIIMBESTIGAHAN o nasuspinde sa trabaho.  

Samantalang tiyak namang may listahan ang Comelec ng mga tauhan nilang naka-assign sa mga lugar sa Camarines Sur at Iloilo na kinakitaan ng mga pruweba ng dayaan tulad ng mga basa/punit na balota, pre-shaded na balota sa pangalan ni Leni Robredo, amoy-kemikal na mga balota, ballot boxes na pilit binuksan at ninakawan ng mga dokumento at marami pang iba.

WALA ring kumikilos para puwersahang mapabalik mula sa ibang bansa si 2016 Comelec Chairman Andres Bautista para magpaliwanag. IMPOSIBLE at malaking KATARANTADUHAN  para isipin man lang ninuman na hindi alam ni Andres ang mga dayaang nangyari. Comelec man o pulitiko o mga kontra-korapsyon kuno, TAKOT NA TAKOT kay Andres.

Pati sa Smartmatic huwag nating kalimutan, mga kababayan, KUMPIRMADO ang pagpapadala ng mga PCOS machines ng mga resulta kuno ng eleksiyon sa Ragay, Camarines Sur ISANG ARAW bago ang aktwal na botohan. Pati ang HINDI AWTORISADONG PAKIKIALAM ng Smartmatic sa script ng transparency server noong unang gabi ng bilangan ng mga boto. At marami ring iba pa.

Pero hanggang ngayon, KAHIT ISANG KASO ay walang sinasampa ang Comelec o sinumang pulitiko laban sa Smartmatic. WALA ring anumang aksiyon o parusa na iginawad ang Comelec. Sa halip, Smartmatic pa rin ang gagamitin ng Comelec sa eleksiyon sa isang taon.

Kung may kokontra pa rin na hindi tayo paraiso ng mga mandaraya, siguruhin lang Na may detalye. 30




No comments:

Post a Comment