Pati FAKE VOTES sa tatlong probinsiya sa ARMM
na ibinulgar ni dating Sulu Gov. Abdusakur Tan at ng kaniyang abogado na si
dating Comelec Chairman Sixto Brillantes ay BINABALE-WALA ng mga kinauukulan.
Pati na n g national media.
Matapos lumabas sa iisang dyaryo lamang ay
WALA NANG NABALITA PA tungkol sa mga fake ARMM votes. Kahit na sinabi nina Tan
at Brillantes na FORENSIC TESTS mismo ang nagpatunay ng falsification.
WALANG ANUMANG REAKSIYON O HAKABANG na
nabalita NA GINAWA ang sinuman para
magkaalaman agad sa katotohanan. Ni isang salita, walang nadinig mula kina
Bongbong Marcos protest supervising Justice Alfredo Benjamin Caguioa o sa
Comelec. Kahit na ang mga pekeng boto ay nagmula sa Magjuindanao, Basilan at Lanao del Sur, na
NAUNA NANG PINETISYON ni Bongbong na mapawalang-bisa ang naging halalan dahil
sa malawakang dayaan.
Ang national media naman, WALANG NAGING
FOLLOW-UP INTERVIEW kay Tan o kay Brillantes. O kaya ay sa Comelec. WALA ring
nagiimbestiga kung sino-sino ang mga tao ng Comelec at ng mga local government
units ang dapat managot. O kaya ay nang iba pang detalye ng mga fake votes.
Sino o sino-sino kaya sa inyo ang kumikita ng
limpak-limpak na salapi sa PAKAPALAN NG MUKHANG ITO, sa LANTARANG PROTEJKSIYON
na ito sa KAWALANGHIYAAN?
Mahal na Birheng Maria, ILIGTAS PO NINYO KAMI
sa nagkalat na mga sundalo ng impiyerno sa aming bansa!
***
Salamat sa mga patuloy na nagki-click sa mga
advertisement sa paligid ng ating blog. Malaking tulong ito para tuloy-tuloy,
araw-araw kong maipost ang forumphilippines. God Bless you all! 30
Expect a DOMINO Conspiracy "bottoms up" ... hear, speak and see no EVIL ang competence ng former ADMINISTRATION.' Practice makes Perfect "
ReplyDelete