Tingnan ninyo kung GAANO NA KADESPERADO ang
tribo ni Leni Robredo sa PAGPUPUMILIT nila sa 25
percent ballot shading threshold sa halip na ang 50 percent na halos 10
TAON NANG PINAIIRAL ng Presidential Electoral Tribunal (PET):
Pati na ang artistang MATAGAL NANG LAOS, at
WALANG ALAM SA BATAS, na si Cynthia Patag ay gumimik na ng sariling sulat niya sa
PET kahapon para ang 25 percent ang gamiting threshold sa manual recount ng mga
boto nina Robredo at Bongbong Marcos.
Iisa lang ang ibig sabihin nito: WALA silang
makuhang MATINDING EKSPERTO SA BATAS PARA KAMPIHAN ang pinagpipilitan nilang 25
percent shading threshold. Eksperto na kiniklala ang galling at pinakikinggan
kapag nagsalita, hindi lang ng PET o iba pang justices/judges/mga abogado kundi
ng sambayanan.
Itama ako ninuman kung mali ako pero WALA
AKONG NATATANDAANG sinumang legal luminary na nagpahayag na ng pagsangayon sa 25
percent na gusto ni Robredo. SILA-SILA LANG sa tribong Leni ang
magkaka-kosa.
Kaya kung si Bongbong Marcos protest lead justice Alfredo Benjamin Caguioa ay hindi protector ni Robredo, walang dahilan
para pagtagalin pa ang pangungulit ni presumptive vice-president 1,600. 30
No comments:
Post a Comment