Monday, July 23, 2018

NAKAKAHIYA KA, ALVAREZ!


Image result for images for pantaleon alvarez

Anuman ang mangyari sa House of Representatives speakership, NAKAKAHIYA KA Pantaleon Alvarez.

Kahit na pinatay ang sound system ng House, may mga congressman pa rin na bumoto at nagpasumpa kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo (GMA) bilang bagong Speaker. 

HARAP-HARAPAN na iyong pagpapahayag na AYAW NA SA IYO ng nakararami sa mga kasamahan mong congressman, Mr. Alvarez. Ang TUNAY NA MAGINOO at naniniwala sa DELICADEZA, agad nang BIBITIW SA PUWESTO. Pero IKAW, HINDI

KUMAPIT ka pa ring parang TUKO, Mr. Alvarez.

Kaya kung hindi ka pa rin bababa bilang Speaker, Mr. Alvarez, buong sambayanan kundi man mundo ang titingin sa iyo bilang WALANG ULONG pinuno ng House of Representatives.

Hanggang kalian kayang dalhin ng dibdib mo iyon?30


No comments:

Post a Comment