Thursday, July 26, 2018

COMELEC ILABAS NA NINYO EBIDENSIYA NG DAYAAN

Image result for images for andres bautista
                                    Comelec 2016 Chairman Andres Bautista
Ngayong LANTARAN NANG KUMAKAMPI ang Comelec kay Leni Robredo, wala nang dahilan para HINDI NILA ILABAS ang mga ebidenisya ng dayaan noong 2016 elections na nasa control pa nila.

WALA NANG GARANTIYA ANG TAUMBAYAN, lalong lalo na si Bongbong Marcos, na HINDI NILA ITATAPON, WAWASAKIN O PAKIKIALAMAN ang mga ito sa anumang paraang makakatulong kay Robredo. Para manalo ito sa protesta ni Bongbong laban sa kaniya.

Unang una na ang HINDI AWTORISADONG PAGBABAGO na ginawa ng Smartmatic sa script ng transparency server noong gabi ng election 2016. Huwag na huwag nating kalimutan, mga kababayan, matapos ang  pagbabagong iyon ay NAGLAHO ANG MAHIGIT ISANG MILYONG BOTONG LAMANG ni Robredo kay Bongbong sa loob lamang ng magdamag.

Nariyan din ang mahigit 30 SD cards na nadiskubreng MAY LAMAN mataos ideklara ng Comelec na HINDI NAGAMIT noong eleksiyon. Hanggang ngayon, WALA pa ring PALIWANAG O IPINAPAKITA ang Comelec sa extra server na INAMIN ng Smartmatic na ginamit nila nang hindi alam ninuman.

At nasaan na ang mga kagamitan noong eleksiyon na sakop ng protesta ni Bongbong pero NASIRA O NADAMAGE kuno matapos mabagsakan ng kisame sa ibabaw ng mga ito sa isang warehouse?

At higit sa lahat, iyong inabandonang WALONG 40-FOOT container vans sa isang pribadong lote sa Tagig na may lamang mga ballot boxes at balota ay hindi na malaman kung nasaan, Imposibleng hindi alam ito ng Comelec.

Meron pang iba. At may mga dapat nang ipaliwanag AGAD ang Comelec. Sa  kasunod nitong blog. 30





No comments:

Post a Comment