DAPAT BAYARAN ng Comelec ang taumbayan sa
ginawa nilang pagkampi kay Leni Robredo sa pagpupumilit nitong mula sa 50 percent
ay ibaba sa 25 percent ang ballot shading threshold sa mga balotang sakop ng MANUAL
RECOUNT ng mga boto niya at ni Bongbong Marcos. Bakit?
Tulad ng binanggit ko sa nakaraan kong blog,
NAGLALAKIHAN ang mga poster sa LAHAT NG PRESINTO SA BUONG BANSA noong 2016
elections na nagsasabing ISHADE NG BUO ang balota para mabilang. WALANG SINABI
na 25 percent lang ay puwede na rin. Wala akong eksaktong halaga pero tiyak na
MILYUN-MILYON ANG GINASTOS ng Comelec para sa mga poster na iyon. Dahil buong
bansa nga ikinalat.
Ang MILYUN-MILYON na iyon ay GALING SA ATIN, mga
kababayan. Mula sa mga PINAGHIRAPAN NATING BUWIS AT IBA PANG BAYARIN sa gobyerno.
Buong shading ang inilagay sa mga poster na
PERA NATIN ANG GINASTOS. Tapos ngayon, sasabihin ng Comelec na ibinaba na nila
noon pa sa 25 percent ang shading threshold ng. Pagbaba na HINDI NA NALAMAN ng
Sambayanan. Itama ako nnuman kung mali ako. Siguruhin lang na may ebidensiya at
hindi lang puro salita.
WALA akong nabalitaan kahit kailan na ibinaba
ng Comelec sa 25 percent ang shading threshold hanggang sa magbotohan noong May
9, 2016. Isang kandidato at isang political strategist ng isa pang kandidatong
hindi natalo kailanman ang kinonsulta ko. Pareho nilang sinabi na HINDI NILA ALAM,
HINDI SILA SINABIHAN NG COMELEC, sa pagbaba ng threshold hanggang noong
botohan.
Tapos ngayon, kakampi bigla kay Leni. Pati
tayong sambayanan, GINAGAGO! HINDI
puwedeng ganun na lang iyon. 30
Alam na this na pagbibigyan ang hiling ng Lugaw Queen mula pa noong naghapi-hapi sila sa swimming...senyales yan na nakatunog na sila....di ba ?
ReplyDeletepuwedeng puwede, gary..salamat sa comment
Delete