Tuesday, July 31, 2018

PINATIBAY LANG NINYO ANG KREDIBILIDAD NG CHONG EXPOSE!


Image result for images for glenn chong
Hanggang sa bago ko sulatin ang blog na ito, WALANG ANUMANG BALITA sa internet ang mga nangungunang media companies sa naging expose kahapon ni Attorney Glenn Chong sa isang hearing sa Senado kaugnay ng mga anomalya noong 2016 elections.

Kaya kung SINO, O SINO-SINO MAN ang nagtrabaho para mangyari ito, LALO LANG NINYONG PINATIBAY ANG KREDIBILIDAD ng Chong expose. At LALO  din nnyong SINIRA ANG KREDIBILIDAD ng Comelec at ng Smartmatic.

Dati akong taga media, senior editor ng isang kilalang dyaryo. Kaya alam ko na ang mga balitang tulad ng ginawa ni Attorney Chong, at ng iba pang eksperto, ay HINDI PINALALAMPAS AT HINDI DAPAT PALAMPASIN. Lalo pa at DETALYADO AT DOKUMENTADO ang kaniyang mga ebidensiya. Pero HIMALA NG MGA HIMALA, walang anumang istorya tungkol ang mga nabanggit kong media companies tungfkol sa Chong Expose.

May mga reporter naman sa hearing. Nandoon din ang mga representative ng Comelec at Smartmatic. Kaya’t HINDI PUWEDENG SABIHIN na wala o hindi nakausap ang mga ito para parehong panig ang may pahayag bago isulat ang istorya. Kaya’t heto ang link ng video ng  hearing: https://www.youtube.com/watch?v=6gPHpz9m4AQ Ang pinaka-importanteng parte ay mula 19:50 hanggang 2:25:50

Kaya’t IISA lang ang posibleng dahilan para piloting hindi mabalita ng husto ang Chong expose at ang iba pang ibinulgar ng  ib pang testigo kahapon --- Para malihim ang KATOTOHANAN at PROTEKTAHAN ANG DAYAAN at ang MANDARAYA. Mabuti na lang, may social media at kumpleto ang ebidensiya ni Attorney Chong.

Sa mga tumrabaho ng news blackout na ito, sige lang…SIRAIN NINYO LALO ang mga reputasyon ninyo at ng pinoproektahan ninyo. 30





6 comments:

  1. Noon pa yan pag exposee sa Comelec at Smartmatic news blackout ang mga mainsterm media kasi mga oligarch ang may ari niyan at galit sila kay President Duterte at ayaw nila malaman ng mga ordinaryong tao na hindi alam gumamit ng internet news or facebook, mga tao sa kalye na busy lagi sa paghanapbuhay. Mabuti na lang meron facebook at nalalaman nila ang katoto hanan lalo na ang mag OFW, students, at average people na meron internet sa bahay.

    ReplyDelete
  2. One problem is that no one is interested in organizing an indignation rally against the Comelec. Akala nila OK lang kc wala silang nakikitang physical activity to condemn what they are doing to our elections.

    ReplyDelete
  3. One problem is that no one is interested in organizing an indignation rally against the Comelec. Akala nila OK lang kc wala silang nakikitang physical activity to condemn what they are doing to our elections.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang mga Kalaban ay mayroong PDAF , tayo ay wala ! he he he he he

      Delete