PHOTOS OF THE PANSOL OUTING. ABUYUAN IS AT NO. 1. |
Nagfile si Bongbong ng Manifestation
of Grave Concern with Extremely Urgently Motion to Investigate sa Presidential
Electoral Tribunal (PET) matapos niyang mabatid na nagkaroon ng outing at
bonding noong June 24 sa 3J’s Resort sa
Pansol, Calamba City, Laguna si Osmundo “Ritchie” Abuyuan, isa sa mga revisors
ni Robredo kasama ang 24 na chief tabulator,
head revisors, alternate head revisor, head ballot box custodian, ballot box
custodians, appraiser at iba pang tauhan ng PET.
“Ang pakikipagbonding
(fraternize) ng party revisor ni Robredo ay malinaw na IPINAGBABAWAL ng PET
dahil ang gawing ito ay IPINAGBABAWAL hindi lamang ng Code of Conduct for Court
Personnel pati na rin ng Canon of Judicial Ethics,” ayon kay Atty. George
Garcia, abogado ni Bongbong.
Ayon kay Atty. Garcia, nalaman
ang outing/bonding makaraang i-post sa Facebook account ni Maria Katrina
Rosales, isang PET Head Revisor, ang mga larawan ng tinaguriang “Pansol
Outing.” Binura na ni Rosales ang nasabing post. Pero kinumpirma mismo ng 3J’s Resort ang
nasabing outing/bonding. Ayon sa kanilang booking calendar, ang PET Ballot
Custodian na si Mel Darien Buensalido ang nagbook ng outing.
Ang head revisor at alternate
head revisor ang namumuno sa revision committees at nagkokontrol sa recount ng
mga balota. Sila ang in-charge sa initial determination kung ang mga balota ay
valid, rejected o stray. Sila ang may kapangyarihang magdesisyon, subject
lamang sa final approval ng PET, kung ang mga boto ay pumasa sa 50% shading
threshold o hindi.
Ang sarili kong opinion at mga
tanong sa kasunod nitong blog. 30
No comments:
Post a Comment