Thursday, July 12, 2018

“…PHILIPPINES PROVINCE OF CHINA” TARPAULINS!



Mga TERORISTA at ang mga DUWAG ngunit MAPERA nilang kakampi sa pulitika at pribadiong sektor na gstong mapalitan ang gobyerno ang nagsabit ng mga ‘…Philippines province of China’ tarpaulins sa iba-ibang lugar.
                                                                
HINDI ITO GAWAIN ng ordinaryong taong tutol sa nagiging paghawak ng gobyernong Duterte  sa problema natin sa China tungkol sa West Philippine Sea. KItang-kita sa quality ng mga tarpaulin na GINASTUSAN ANG MGA ITO, pati na ang mga taong nagsabit nito. NABABALIW na ang magsasabi o magpipilit na ang mga NASA masa na kasama sa mga protesta laban sa China problem ang gumastos para dito.

Terorista dahil alam ng mga UTAK ng mga tarpaulins na ito na GIYERA ANG MAGIGING RESULTA kapag  babanggain natin ng tuloy-tuloy ang China  sa ngayon dahil sa West Philippine Sea. Giyera na WALA TAYONG KAPANA-PANALO. Pero WALA SILANG PAKIALAM magkaganoon man. Kahit na rin ang BANSA NA ANG INIINSULTO AT SINSIRAAN NILA sa kanilang mga tarpaulin. Mga TERORISTA LAMANG ang mga taong walang pakialam kung MAGKAGIYERA AT MAGKAMATAY, at masira ang reputasyon ng SARILI NIYANG BAYAN, mangyari lamang ang gsto nila.

Mga DUWAG dahil nagpagawa at nagpasabit ng mga tarpaulin na iniinsulto at  mapanira sa bansa, HINDI NAMAN NILAGAY KUNG SINO SILA. PURO PORMA. Kung ang lasing nanghihiram ng tapang sa bote, ang mga ito sa tarpaulin nanghihiram.

Kaya ang sinumang pupuri o susuporta sa mga “...Philippines province of China” tarpaulins, KASABWAT ng mga terorista at mga DUWAG NLANG KAKAMPI.  30





No comments:

Post a Comment