Wednesday, May 1, 2019

GANITO PA TAYO DADAYAIN PAG NAGKATAON...


Image result for images for glenn chong
Dahil patuloy na HINDI SINASAGOT ng Comelec ang mga nagtatanong, narito ulit ang ilang posibleng paraan pa para DAYAIN tayo ng malawakan sa eleksiyon:

Ang 17 regional hubs na balak itayo ng Comelec para sa araw ng botohan na AYAW NILANG IPAALAM SA PUBLIKO hanggang ngayon kung SAAN MATATAGPUAN, para mabantayan ng mga kandidato o partido at ng kanilang mga watcher;

Ang 8 transmission codes na gagamitin sa bilangan na AYAW ding ipaalam ng Comelec. HUWAG NATING KALIMUTAN, noong 2016 ay MAYROON na agad resulta KUNO ng halalan na natransmit sa bayan ng Ragay sa Camarines Sur ISANG ARAW PA BAGO ANG BOTOHAN.

Ang MILYUN-MILYONG EXTRA na balota na INAMIN ng Comelec na pinaimprenta nila pero HINDI NILA SINASABI HANGGANG NGAYON KUNG SAAN-SAAN NAPUNTA at ilan ang nakuha ng bawat isa.

Halos isang linggo na mula nang hamunin ni Glenn Chong ang Comelec na ipaalam sa publiko ang mga location ng mga regional hub at ang mga transmission codes. Pero BINGI AT PIPI ang Comelec hanggang ngayon.

Kung WALANG GUSTONG ITAGO, O MASAMANG BALAK, walang dapat itago. Kumontra na ang kokontra.

Idagdag ko lang, dumarami na ang mga posts/report tungkol sa mga pre-shaded ballots. Naghahanap lang ako ng detalye.
                                                    ***
May bago po tayong FB page, FREE-FOR-ALL. Silipin po ninyo sana at bigyan ng pagkakaton. Itype lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at ienter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30

1 comment:

  1. Sana sagutin ng COMELEC ung mga balota na may shaded na, na kung titingnan mo ang balota walang shade pag ginamitan mo ng violet ray saka lang makikita ang mga shaded na sa mga otso deretso.

    ReplyDelete