Saturday, April 20, 2019

PAGMUMUKHA NG COMELEC, SINGKAPAL NG ADOBE!


Image result for images for overseas absentee voters
Sa mga nangyayari sa overseas absentee voting (OAV), KASINGKAPAL o mas MAKAPAL PA SA ADOBE ANG PAGMUMUKHA ng Comelec.

Tuloy-tuloy na ang mga LANTARANG DAYAAN na nangyayari sa OAV. Dalawa sa latest – sa Taipei, Taiwan hindi ibinoto pero lumabas sa resibo ang pangalan ni Bam Aquino. Sa Singapore, ISINARA ang pinto at bintana ng kuwarto sa Philippine Consulate sa Singapore kung saan ipapasok ang mga balota sa PCOS machine. WALANG NAKAKITA sa mga botante at sa madlang manonod sana ng mga nangyari sa SARADONG KUWARTO.

Pero hanggang ngayon, WALANG ANUMANG NABABALITANG AKSIYON ang Comelec laban sa mga ito. KAHIT ISA, WALA. Masahol pa sila sa mga bulag, pipi at bingi na namamalimos sa lansangan.

Itama ako ninuman kung mali ako.

PARANG WALANG NANGYAYARING WALANGHIYAAN para sa Comelec. Pero bago magsimula ang OAV, halos araw-araw ay may press release at press conference ang spokesman nilang si James Jimenez.

Kaya alin kaya sa dalawa – sadyang mga INUTIL, WALANG SILBI ang Comelec o KASABWAT SILA SA DAYAANG NANGYAYARI?

Sa mga MANDARAYA AT KASABWAT NILA: Totoo ang KARMA. HINDI MAPIPIGILAN O MATUTUMBASAN iyon ng gaano mang KALAKING KUWARTA na tinanggap ninyo.
                                                ***
Makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30 






1 comment:

  1. MALAMANG, NAPASUKAN NA NG MILYONES ANG MGA ACCT. NIYAN KAYA, PAKAPALAN NALANG NG MUKHA.. MAY MILYON NAMAN SILA DAW... PAG GANYAN NG GANYAN SILA, WALANG MAGBABAGO SA PILIPINAS...WALA SILANG HINANGAD NA MABUTI SA BANSA KUNDI ANG BULSA LANG NILA. SANA MAG REBULUSYON NALANG NG MAUBOS ANG MGA TAONG GANYAN.

    ReplyDelete