In a story in https://news.abs-cbn.com/news/04/23/19/robredo-on-oust-duterte-matrix-govt-shouldnt-release-unreliable-info,
Robredo reacted to the matrix of an ouster plot against President Duterte: “Kailangan sana, bago magpapalabas ng kahit
ano, napag-aralan nang mabuti. Kasi iyong pinakaunang nilabas, nandoon iyong
pangalan ko, wala naman akong kaalam-alam sa paratang nila."
Kapag si Pangulong Digong Duterte o ang gobyerno niya, bago
magpalabas napagaralan nang mabuti. Pero
noong unang video pa lamang sa apat na ginawa ni ‘Bikoy’, na nagakusa ng
pagkakasangkot sa anak ng Pangulo na si Paolo sa illegal na droga, sinabi ni
Robredo na seryoso ang akusasyon at dapat magkaroon ng imbestigasyon. Kahit na
WALANG MUKHA AT BERIPIKADONG EBIDENSIYA NA PINAKITA si Bikoy.
Kapag banat o makakasira sa Pangulo, IMBESTIGASYON AGAD ang
dapat at SERYOSO ang isyu. Uulitin ko, kahit na WALANG MUKHA AT BERIPIKADONG
EBIDENSIYA NA PINAKITA si Bikoy.
Si Kris naman, sinabi sa isang balita sa https://entertainment.inquirer.net/327225/will-she-or-wont-she-kris-aquino-says-she-may-run-against-a-marcos-but-not-sara-duterte
na: “I don’t see myself in a position of going
against her (Sara Duterte for president). Kung tinanong niyo ako kung tatakbo ako kung Marcos ang tatakbo,
bahala na si Batman, yes, isusugal ang lahat kung yun ang kalaban.”
Kumbaga, feeling ni Kris na sikat
pa rin siya para magkaronn ng chance na maging presidente kung sakali. Kaya
bago MAGKALOKOHAN, AT MAGKALIMUTAN:
Kris, WALA KA NANG TV SHOW O
PELIKULA. WALA nang kumukuha sa iyo. Pati endorsements o commercials mo,
nababawasan na! Ibig sabihin lang, sa tanggapin mo o hindi, LAOS KA NA! Ganoon
din ang pamilya ninyo pagdating sa pulitika.
NAGHIHINGALO NA ang kampanya ng mga
kandidato ninyo sa Otso Derecho. Mismong ang kuya mong si Noynoy ang nagpunta
sa rally ng Otso sa Cebu City pero nabalita pa na 500 LAMANG humigit-kumulang
ang nagpunta. Nagsalita noon si Noynoy na siguro naman ay mananalo pa siya kung
tatakbo siyang congressman. Pero hindi niya nagawang ituloy. Tapos, SASABAK KA
PA RIN SA PAGKA-PRESIDENTE kung sakali?
Taas ng tama mo, girl. Sabi nga
ng mga kabataan ngayon, EH DI WOW!
***
Makakatulong
po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at
titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang
magclick. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30
No comments:
Post a Comment