Monday, April 1, 2019

LUMAYAS KA NA NG PILIPINAS, JIM!


Image result for images for jim paredes
Kung talagang mahal niya ang pamilya niya at may KAHIHIYAN pa siyang natitira sa katawan, dapat nang LUMAYAS si Jim Paredes sa Pilipinas sa LALONG MADALING PANAHON.

Tanggapin man o hindi ni Jim, hindi lang sarili niyang reputasyon kundi pati ng kaniyang asawa’t anak (o mga anak) ay NASIRA NA dahil sa kaniyang sex video scandal. Walang duda na uulanin na ng insulto at kung ano ano pang panghahamak ang pamilya niya hangga’t nandito siya.

Ang mas mahalaga, ZERO NA ANG KREDIBILIDAD AT INTEGRIDAD ni Jim sa anumang sasabihin niya pa tungkol sa moralidad at kabutihan, at kalinisan ng pagkatao. O kung ano ang tama at ang mali.

At ang pinakamatindi, KASABAY NG LAHAT ng mga ito ay LALAYUAN NA SIYA ng mga kaibigan niya at kakampi. Pansinin ninyo, mga kababayan, WALA PANG NAGTATANGGOL kay Jim KAHIT ISA sa mga katropa niya sa ‘Dilaw” at sa mga kaalyado nila sa Oposisyon.

MAAWA KA sa pamilya mo, Jim. Huwag mo nang hayaang MASUNOG ang reputasyon nila kasama ng sa iyo dahil lamang sa pinagtagal mo pa ang  iskandalo mo.  LALAKI AT HAHABA lamang ang problema habang nandito ka sa Pilipinas at nakikita ng sambayanan. Lalo pa kung HINDI KA PA AAMIN na ikaw nga iyong nasa video.

Kung hindi ka aalis, Jim, sana ay HINDI PA SAGAD-SAGARAN ang kapal ng mukha mo para si Pangulong Digong Duterte o ang gibyerno pa rin ang sisisihin mo sa anumang kamalasan o kahihiyang darating sa iyo.
                                                          ***
Makakatulong  po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30

1 comment: