Friday, April 12, 2019

KUNG TAKOT KA KAY LENI, CAGUIOA, LUMAYAS KA!


Image result for images for alfredo benjamin caguioa with leni robredo
Kay Bongbong Marcos protest supervising Justice Alfredo Benjamin Caguioa: Kung TAKOT KA kay Leni Robredo, LUMAYAS KA NA SA Supreme Court/Presidential Electoral Tribunal (PET).

Isang negosyante at isang abogado ang hiningan ko ng opinion tungkol sa mabagal pa sa pinakamabagal pa sa pagong na usad ng protesta ni Bongbong aban kay Leni Robredo, kahit na mahigit isang taon nang bayad ang P66-million niyang protest fee.

Pareho ang kanilang sagot: TAKOT NA TAKOT siguro si Caguioa kay Robredo. BAKA (emphasis mine) may alas o pinanghahawakan si Robredo laban kay Caguioa.

Ayon sa negosyante, sa 20 taon niyang karanasan, ngayon lang siya nakakita na agad siningil ng milyon-milyon ang kliyente kahit na HINDI PA SINISIMULAN ang babayaran niya. At nang makabayad na ng kumpleto, mas mabilis pa ang traffic sa EDSA kesa sa pagandar ng naturang serbisyo.  

“Kung ordinaryong transaksiyon iyan, at hindi rin naman sinosoli ang iba pang ibinayad ni Bongbong, matagal nang may demanda si Caguioa. Naningil agad ng buo, tapos halos nagsisimula pa lamang iyong binayaran.”

The lawyer added: “He’s nothing less than a Supreme Court justice. He’s smart enough to know how UNFAIR has everything been so far for Bongbong. And yet, he’s not doing anything and there’s no indication he’s about to do something to speed up the protest.  Para bang hindi niya kaya si Robredo. Samantalang siya ang boss sa protesta. Ano ba meron?”

Kung hindi ka takot kay Robredo, Caguioa, patunayan mo. Ilabas mo na sa sambayanan ang resulta ng recount, ang lahat ng naganap at nagaganap pa doon at aksiyunan mo ang mga dayaang nabulgar na.

Kung hindi ka pa rin kikilos, nasa sambayanan an glahat ng dahilan para isiping DUWAG KA KAY ROBREDO. Lalong wala kang MORAL NA KARAPATAN na patuloy na sumuweldo at kumolekta ng mga benepisyo mula sa buwis namin.
                                                        ***
Makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30


















No comments:

Post a Comment