Friday, April 5, 2019

MALAWAKANG PROTESTA NA KONTRA KAY CAGUIOA


Image result for images for alfredo benjamin caguioa
Kailangan na ng MALAWAKAN AT TULOY-TULOY na protesta laban kay Bongbong Marcos protest supervising Justice Alfredo Benjamin  Caguioa, mga kasangga. HINDI NA TINATABLAN NG SALITA ang mamang ito.

Kare-relay lang sa akin ng isang dati kong impormante sa media: HINDI PINAPANSIN, as in hindi, ni Caguioa ang nabulgar na mga pekeng botante sa Maguinadao, Lanao del Sur at  Basilan noong 2016 eleksiyon. At ang petisyon ni Bongbong sa Presidential Electoral Tribunal (PET) na agad ipakuha, ipasuri at aksiyunan ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang mga dokumentong nagpapatunay sa mga pekeng botante.

“Kahit na noon pang isang taon ibinulgar nina dating Gov. Abdusakur Tan at ng abogado niya at dating Comelec Chairman Sixto Brillantes ang mga pekeng botante, sir. Na hindi rin dinedeny ng Comelec hanggang ngayon,” kuwento ng aking impormante na may sariling koneksiyon sa PET.

Bilang supervising justice ng Bongbong protest, kay Caguioa manggagaling ang LAHAT NG REKOMENDASYON para sa anumang aksiyon sa ikaluutas nito. Siya ang MAY KONTROL sa kung gaano ito kabilis gagalaw.

At tulad ng alam na nating lahat, bukod sa mga pekeng botante sa Maguindanao, Basilan at Lanao del Sur ay WALA RING INAAKSIYUNAN pa kahit isa si Caguioa sa kabi-kablang pandarayang nabulgar na sa protesta. Kahit may mga PISIKAL NA EBIDENSIYA NA. At kaliwa’t-kanan na ang batikos na inaabot niya sa social media.

Kaya’t si Caguioa at ang PET na ang dapat kalampagin. ARAW-ARAW na rally, at panawagan sa oublic address system na may maraming speakers para dinig at mapansin ng madla, at ng foreign media at international community ang TUNAY NA DAMDAMIN ng sambayanan laban kay Caguioa. At sa protesta ni Bongbong.

Pati damdamin natin, BINABALE-WALA ni Caguioa. Kahit na SAMBAYANAN ANG NAGPAPASUWELDO SA KANIYA. Kailangan na ng MATINDING UGA,O DAGOK, ng huwes na ito.
                                                     ***
Nakablock pa rin ako sa LAHAT NG GRUPONG HINDI AKO ADMIN OR MODERATOR. Kaya sa mga magbabasa, paki-share na lang ito. At makakatulong  po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30




1 comment:

  1. Dapat lang na protestahin ang Caguioa na yan sir digong siguro naman alam ng Comelect yan mga panyayari nayan dapat noon pa niya naactionan yan ...at paupuin ang tunay na VP...BBM...yan c Caguioa ay batch mate ni panot at apointie ng kalaban ng marcos ...bakit di mahatulan ang mga ganyan claseng tao na pinasusuweldo para magtrabaho ng tama …

    ReplyDelete