Saturday, April 6, 2019

SENYALES NG PAGKATALO NINA ROBREDO, 8 DERECHO

Image result for images for leni robredo with ocho derecho

Para sa akin, SENYALES NG PAGKATALO nina Leni Robredo at ng Ocho Derecho ang DESPERADONG PAGKAKALAT ng mga video na sangkot ang pamilya Duterte sa bentahan ng illegal na droga. Lalo pa’t pati anak at maybahay ni Pangulong Digong ay idinamay na sa KAWALANGHIYAANG TSISMIS na iyon.

Si Robredo, sa protesta ni Bongbong Marcos laban sa kaniya. Ang Ocho, sa darating na eleksiyon. Isipin ninyo ito, mga kababayan:

Sinimulang ikalat ang video ngayong HINDI MAIKAILA NINUMAN, kahit ni Robredo, ang ilang linggo nang lumalabas sa social media na nanalo si Bongbong sa recount ng mga balotang sakop ng protesta niya. At patuloy na NAGHIHINGALO AT WALANG MAKITANG PAGASA ang Ocho sa kanilang kampanya --- gapang sa survey, nilalangaw na mga rally.

Alam ng mga anti-Duterte na kapag parehong matalo sina Robredo at ang Ocho, TAPOS na ang maliligayang araw nila sa pulitika at ang panaginip nilang muling makapaghari sa bansa sa hinaharap. At ang TANGING PARAAN para maiwasan nila ito  agad ay ang wasakin ng lubusan ang reputasyon ni Pangulong Digong.   

Para hindi lang magalit tayong sambayanan kundi tayo na rin ang umaksiyon para mapatalsik si Digong, at maging presidente si Robredo. O magalit tayo at hindi iboto ang mga kandidato ng Pangulo. At kahit matalo man ang Ocho, kanila pa rin ang presidente.

Isipin ninyo, mga kababayan, pati batang anak ni Digong ay idinamay na ng mga DUWAG NA DEMONYONG WALANG MUKHA sa paninirang puri nila. Pati KINABUKASAN NUNG BATA, gusto nang sirain ngayon pa lamang. Pati bata! Kahit na WALA silang ebidensiya kundi SALITA LAMANG NILA.  

Kung hahayaan nating magtagumpay ang mga DIYABLONG ITO, isipin ninyo kung ano ang mangyayari sa ating bansa, mga kasangga.
                                                  ***
Makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30



No comments:

Post a Comment