Saturday, April 6, 2019

4 REASONS NOT TO VOTE OCHO DERECHO, LP!


Image result for images for ocho derecho senatorial candidates
A personal friend asked me last night why he should not vote for Ocho Derecho, and their allies both KNOWN AND PERCEIVED, in the May elections. I cited four reasons.

Una: BINALE-WALA ng Ocho at ng kanilang mga kaalyadong kandidato ang mga DAYAAN noong 2016 election na NABULGAR na at may ebidensiya. Hindi lamang sa recount ng mga botong sakop ng protesta ni Bongbong Marcos laban kay Leni Robredo kundi pati na rin sa Ibang lugar tulad ng mga pekeng botante na nadiskubre sa Maguinadano, Basilan at Lanao del Sur.

Itama ako ninuman kung mali ako –KAHIT ISA sa Ocho o sa mga kakampi nila ay HNDI NANAWAGAN KAILANMAN sa Comelec o sa Presidential Electoral Tribunal (PET) para aksiyunan at resolbahin ang mga nabukong kawalanghiyaan. Parang walang nanagyari.

Pangalawa: BULAG, PIPI AT BINGI ang Ocho at kanilang mga kasangga para PAUWIIN si 2016 Comelec Chairman Andres Bautista at pagpaliwanagin. Pangatlo: Ganoon din sila sa mga TUMAKAS nang opisyal o tauhan ng Smartmatic na nasasangkot sa dayaan.

Pangapat: Mula’t sapul, WALA kahit isa sa kanila na bumatikos man lamang sa mga druglords/pushers. O kaya ay sumuporta/nagpahayag ng suporta sa kampanya kontra illegal na droga.

Isang minuto matapos kong magpaliwanag, ang tanging sinagot ng kaibigan ko ay “Oo nga, ano.”
                                                   ***
Nakablock pa rin ako sa LAHAT NG GRUPONG HINDI AKO ADMIN OR MODERATOR. Kaya sa mga magbabasa, paki-share na lang ito. At makakatulong  po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30





No comments:

Post a Comment