Friday, April 26, 2019

3 PARAAN NG MALAWAKANG DAYAAN, IBINULGAR NI GLENN!


Image result for IMAGES FOR GLENN CHONG
Para sa mga hindi pa nakakapanood, ibinugar ni Glenn Chong sa kaniyang pinakabagong live video sa kaniyang Facebook page ang tatlong paraan ng  MALAWAKANG DAYAAN na maaaring mangyari sa eleksiyon.

Una: Ang PAGSASARA SA PUBLIKO sa mga embassy at consulates sa iba’t-ibang bansa ng mga bintana at pintuan kung saan isinusubo sa PCOS machine ang mga balota na pinadala by mail.  Kapag walang nakakakita, lahat ng posibleng pandaraya ay magagawa.

Pangalawa: Ang planong pagtatayo ng Comelec ng 17 REGIONAL HUBS, MAS MARAMI NG 10 mula sa pito na itinayo noong 2016 election. Hanggang ngayon ay HINDI SINASABI NG COMELEC ang magiging mga address ng 17 hubs. Kaya’t HNDI MABABANTAYAN ang mga ito ng mga kandidato o watcher o ng anumang partido para mapigilan ang dayaan.

Pangatlo:  Dapat ILABAS NG COMELEC SA PUBLIKO ANG LAHAT ng transmission codes na gagamitin sa lahat ng canvassing systems sa buong bansa. Kapag Comelec at Smartmatic lamang ang makakaalam ng mga transmission codes, lahat ng boto ng iang BUONG BAYAN AY PUWEDENG NAKAWIN.

Hindi ko na pahahabain. Mas maiintindihan at maaappreciate ninyo kung papanoorin ninyo ang video. Marami pang pinaliwanag si Glenn. Para sa dayaan, siimulan ninyong makinig sa -16.38.  At kung sakaling may magtatanggal ng video sa Facebook, heto ang link sa youtube: https://www.youtube.com/watch?v=wItDk-63khA.

                                                    ***
Naka-block na naman ang account na ito sa mga grupong hindi ako administrator o moderator. Kaya paki-share na lang, dear readers. From bi-weekly, every five days na kung iblock ang accouint na ito. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30 
                                                                                             




1 comment:

  1. Ipakalat natin ang impormasyong ito. Kapag alam nilang alisto ang tao sa dayaan, hindi mananaig ang kanilang kasamaan.

    ReplyDelete