Thursday, April 18, 2019

NGAYON PA LANG, TALO NA SI MAR!

Image result for images for mar roxas
Sa ginawang pagkumpirma ulit ni dating Noynoy Aquino deputy spokesperson Abigail Valte na SADYANG HINDI PINAALAM kay Mar Roxas ang misyon ng SAF 44 na nagwakas sa pagmassacre sa kanila, NGAYON PA LAMANG TALO NA si Mar sa eleksiyon.

Sa parehas na eleksiyon. Piso manalo P5.

Pinatunayan ng statement ni Valte na WALANG TIWALA si Noynoy kay Mar, na noon ay Department of the Interior and Local Government (DILG) secretary niya. Kaya kung mismong presidente ng Pilipinas noong Mamasapano massacre ay walang tiwala kay Mar, LALONG WALANG MATINONG DAHILAN para pagtiwalaan natin siya at ibotong senador.

Isipin ninyo ito, mga kababayan: Kapag ang isang tao ay HINDI PINAGTIWALAAN ng kaniyang boss, ibig sabihin ay HINDI SIYA MAGALING O WALA SIYANG BINATBAT! At HINDI GAGO ang sambayanan para ihalal na senador ang isang HINDI PINAGTITIWALAAN NA WALANG SINABI.

Higit sa lahat, ginawa na nga siyang TANGA ni Noynoy ay WALA rin anumang nakita o nabalitaan kay Mar na PINAGLABAN NIYANG MASAKLOLOHAN AGAD ang SAF 44 matapos rumadyo ang mga ito at paulit-ulit na humingi ng reinforcements HABANG BUHAY PA SILA AT NAPAPALABAN NA!  Wala ring nabalitang anumang pagkilos ni Mar para agad na makamit ng SAF 44 at ng kanilang mga mahal sa buhay ang katarungan.

Bilang DILG secretary ay MGA TAO RIN ni Mar ang SAF 44. Pero INIWAN NIYA SA ERE ang mga ito hanggang sa matapos ang Noynoy Aquino Administration.

Tapos ngayon, gusto pang maging senador ulit! GUSTO PA TAYONG GAGUHIN ULIT. Kumontra na ang kokontra.
                                                     ***
Makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30 

6 comments:

  1. Ayaw pa kasi aminin ni mar,na kaya sya hindi nanalo nung nakaraang presdl.electn.ay dahil sa kapalpakan nh bestfriend ng abnoy. Sa totoo lang kung galing ay talagang magaling si mar kaya lang pumapayag syang magpagamit sa b.f nyang abnoy,kaya syang paikutin/pasayawin sa mga kamay ni abnoy. Kaya sa mga supporters ni mar tulungan nyo syang sagutin ang dasal nyong manalo sya pagka-senador kung sabagay kakampi nto pa ang smrtmatic kaya may tsansa pa syang manalo dahil kung hindi .... tapos na ang political career nya sinira at pumayag syang sirain ng b.f nya ang political life nya.

    ReplyDelete
  2. NO TO MAR ROXAS.
    HINDI KO MAKALIMUTAN ANG NANGYARI SA YOLANDA.

    ReplyDelete
  3. eto pananaw ko lng kundi sana nag
    payag si mar at chiz escudero kay pinoy,isa sa kanila ang pangulo ng panahon na nmatay si pres.Cory di sana naging pangulo si noynoy

    ReplyDelete
  4. Hay nako kahit anong Sabihin nyo Hindi MAGANDANG ehemplo ng isang lider si roxas WALANG MATINONG desisyon sa oras ng kagipitan ilalaglag ka masalba langsya dahil Kung may paninindigan at prinsipyo kahit bf nya pa si abnoy Kung Mali Ang ginagawa dapat marunong syang itama ito Hindi ka magsasalita na parang WALANG nangyare Tama ba itong sumagot ka ng bahala na Kayo sa buhay nyo mga Ronualdez Kayo Aquino Ang makaupo Tama ba Yung Sabihin mo kasalanan ng biktima yan Kasi nagdala ng bala sa airport simpleng disposisyon WALANG MATINONG desisyon ipagkakatiwa mo ba Ang bansa natin sa taong kahit anong oras ay pwede tayong ipahamak..ito ba Ang SINASABI nyo na magaling.. Hindi nyo Lang Alam ang mga eksperyensa ng mga pulis at sundalo na naging security nya mabaho Ang ugali maganda sa harap ng kamera sa likod Demonyo Ang ugali Kaya Ang nangyayare sa kanya ngayon ay isang MAGANDANG halimbawa ng KARMA...Kung masama Ang ipinakikita masama din ang babalik sa iyo...Hindi natutulog Ang DIYOS!!!

    ReplyDelete
  5. hindi na pamatol si Mar pahinga na lang siya at gamitin niya ang mga NANAKAW niya sa pag-DEPENSA sa darating na panahon kapag dapat ng mag-BAYAD ang mga may UTANG sa mamamayan

    ReplyDelete
  6. mali rin ang hirit ni noynoy na di ipaalam sa kanyang dilg sec ang operasyon. sa ganyang delikado at sensitibong operasyon lhat ng pangunahing players mo ay dapat timbrehan para magkaroon ng coordination sakalit may lumitaw na problema.

    ReplyDelete