Monday, April 8, 2019

DELIKADO NA LALO ANG BOTO NATIN!

Image result for images for comelec ballotprinting
In a story in https://newsinfo.inquirer.net/1104305/comelec-93-of-ballots-for-may-polls-printed, Comelec said more than 59 million ballots for the May elections have been printed. But here’s the DANGEROUS PART, my dear kababayans:

DELIKADO NA LALO ang boto natin ngayon pa lamang.

HANGGANG NGAYON, WALA pang paliwanag ang Comele kung PARA SAAN O KANINO ang milyon-milyong extra ballots na INAMIN nila na inimprenta nila. WALA rin silang binibigay hanggang ngayon na DETALYADONG BASIS kung bakit ganoong karami ang extra ballots at ilan ang mapupunta sa kung kanino.

Kaya WALA rin tayong kasiguruhan, mga kababayan, na ang milyon-milyong extra ballots ay HINDI SA MGA MANDARAYA MAPUPUNTA. Walang makakapag-check kung nasaan ang mga iyon dahil HINDI NGA SINASABI ng Comelec.

Huwag na huwag nating kalilimutan, mga kababayan, isang milyong boto lamang ay sapat na para mabago ang resulta ng bilangan para sa mga senador. Kumontra na ang kokontra!
                                                     ***
Makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30


No comments:

Post a Comment