Tuesday, April 9, 2019

NAKAKATULOG PA KAYA SI CAGUIOA?


Image result for images for alfredo benjamin caguioa with leni robredo
Ayoko sana pero hindi ko na mapigilan ang sarili kong itanong: NAKAKATULOG PA KAYA NG MAAYOS si Bongbong Marcos protest supervising Justice Alfredo Benjamin Caguioa?

Kung OO, paano kaya? Sleeping pills o iba pang tranquilizers? Paginom ng maraming alak bago matulog?

Kahit si Caguioa mismo ay hindi na maikakaila ang GALIT AT PAGKAINIP ng taumbayan sa MASAHOL PA SA PAGONG na takbo ng protesta. At sa patuloy na PAGBALE-WALA niya sa sa LAHAT ng mga dayaan kaugnay nito na NABISTO NA at may pisikal na ebidensiya. 

Tulad ng ilang ulit ko nang niasulat, KAHIT ISA AY WALANG NABALITANG AKSIYON O REKOMENDASYON si Caguioa para malaman ang katotohanan sa likod ng mga basa/punit amoy kemikal na mga balota; pagpapadala ng mga resulta KUNO NG BOTOHAN sa bayan ng Ragay sa Camarines Sur ISANG ARAW PA bago ang halalan;  mga pre-shaded ballots sa pangalan ni Leni Robredo; mga ballot box na puwersahang binuksan at ninakawan ng mga dokumento at kung ano-ano pang kawalanghiyaan.

Sa halip na aksiyon, patuloy ang NEWS BLACKOUT sa recount at sa mga nangyayari rito. Kaya HINDI NATIN MALAMAN ANG KATOTOHANAN.  At walang anumang indikasyon na ililift na ito ni Caguioa. Nasisikmura pa nga ni Caguioa na ni hindi magpalawinag sa sambayanan sa  lahat ng ito.

Kung pagmamasdan mo nga si Caguioa ay parang normal lang lahat, WALANG NANGYAYARI At may balita pa ko na hanggang ngayon ay hindi pa raw bayad si Robredo sa balance ng counter-protest fee niya laban kay Bongbong at HINAHAYAAN LAMANG ni Caguioa.

Kaya again, nakakatulog ka pa ba ng mahimbing, Mr. Caguioa? Ang konsiyensiya mo, pinatatahimik ka ba?
                                                    ***
Makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30

No comments:

Post a Comment