Tuesday, April 30, 2019

LUMALAKI ANG PELIGRO NG BOTO NATIN!


Image result for images for francis pangilinan
In a story in https://www.philstar.com/headlines/2019/04/30/1913859/kiko-believes-surprise-win-possible-otso-diretso-bets, Otso Diretso campaign manager  Francis Pangilinan boldly predicted:  ”May mga pangyayari na sa huling dalawang linggo ng eleksyon, ‘yung mga nasa labas ng Top 12 pagdating ng araw ng halalan ay ‘come from behind’ ika nga at naipapanalo nila. Surprise victory ika nga.”

LUMALAKI, LUMALALIM ang peligro o pagiging DELIKADO ng mga boto natin, mga kababayan.  Dalawang linggo na lamang bago ang botohan pero tingnan ninyo kung GAANO KAMISERABLE, KALABO, ang pagasa ng Otso candidates ayon sa latest survey ng Pulse Asia:

Mar Roxas, 14th to 17th bracket, 24.5 percent voter preference; Samira Gutoc, 24th to 29th bracket, 5.9% voter preference; Chel Diokno and Romy Macalintal, 25th to 31st bracket,  5.3% and 5.2% voter support, Gary Alejano, 5 percent, 25th to 32nd bracket and Erin TaƱada with 3.6 percent and Florin Hilbay with 3.2 percent voters’ choice, respectively, 27th to 40th bracket.  

Si Bam Aquino lang ang may pagasang manalo, 10th to 16th bracket, 28.8 percent voters’ support. Pero PUWEDE PANG MALAGLAG.

Idagdag pa natin dito ang KAWALAN NG DEKLARASYON NG SUPORTA HANGGANG NGAYON mula sa kahit isang kilala at malaking grupo ng botante para sa Otso. Gayon din ang INAMIN NILA na hindi pagtanggap ng mga local government official sa kanila sa ilang lugar. At bago si Mar, nagsalita na rin si Leni na kumpiyansa siya na mananalo pa rin ang Otso.

Kaya ISIPIN NINYONG MABUTI, mga kababayan: SAAN MANGGAGALING O SINO ANG MAGBIBIGAY ng panalo na TIWALA sina Robredo at Pangilinan na makukuha pa rin ng Otso?
                                                           ***
May bago po tayong FB page, FREE-FOR-ALL. Silipin po ninyo sana at bigyan ng pagkakaton. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30









3 comments:

  1. PANIC MODE NA PO MGA DILAWANG YELLOW ZOMBIES 12 DAYS TO GO ELECTION DAY NA PO. https://media.giphy.com/media/39V1MUIJTDnNK/giphy.gif

    ReplyDelete
  2. Wala pa ang election, ang otso diretso flushed in the toilet na. Paano mananalo na nasa inodoro na.. pangilinan, dream on... Dream on...

    ReplyDelete
  3. Ginagawa ng mga idea ngaun ang opposition para maski papano masira nila ang cguradong panalo ng mga kakamping senators ni PRRD... Systematic at COMELEC ang pagasa nila maliban dyan wala na....

    ReplyDelete