Thursday, April 4, 2019

ANG MANIWALA SA ANTI PAOLO VIDEO, TANGA


Image result for IMAGES FOR PAOLO DUTERTE
Malaking TANGA ang sinumang maniwala o magaksaya ng oras sa video na nagsasabing tumatanggap ng suhol si Paolo Duterte mula sa mga drug lords. Kung hindi TANGA, TSISMOSO O TSISMOSA O BAYARAN ng mga anti-Duterte gangs.

Una: WALANG MUKHA, HINDI PINAKITA ng tumira kay Paolo, ang  PAGMUMUKHA NIYA. Boses lamang. Mistula siyang MULTO O SIMBOLO ni Kamatayan. Kaya SAAN MAN DAANIN, WALANG KREDIBILIDAD KAILANMAN ang Isang AYAW MAGPAKITA habang sinisiraan niya ang ibang tao. Sino mang tunay na abogado ang tanungin, HEARSAY O TSISMIS lang ang binanat ng ‘multong iyon.’

Pangalawa: HINDI NAPATUNAYAN ng nasa video na certified true copy ang mga bank records KUNO ni Paolo at ng kapatid ng bayaw nito na pinakita niya. Tulad ng alam nating lahat, sa Recto lamang sa Maynila ay madaling magpagawa ng bank records KUNO o iba pang klaseng PEKENG DOKUMENTO.

Pangatlo: Mula sa drug lords kuno ang  tinatanggap na suhol ni Paolo pero si PAOLO LAMANG ang tinira sa video at ang kapatid ng bayaw niya. Walang binanggit ni isang drug lord, o sinumang aktwal na nagpapalusot KUNO ng mga illegal drugs.

Pangapat: Matagal na KUNO na tumatanggap ng suhol si Paolo pero HINDI KAILANMAN KINASUHAN. Sa halip na kasuhan, social media pa ginamit ngayon. Panglima:  May kinonsulta akong mga dating anti-narcotics agents. Lahat sila, sinabi na ang mga mga suhol ng mga drug lords ay nilalagay lamang sa mga ORDINARYONG notebook o blue book. HINDI sa mga printouts na tulad ng pinakita ng ‘multo’ sa video.

Bottomline:  GIGIMIK DIN LANG kayo laban kay Paolo Duterte, WALA naman pala kayong mga UTAK. Kumontra na ang kokontra.
                                                         ***
Nakablock pa rin ako sa mga groups na hindi ako admin or moderator. So paki-share na lag ito ng mga babasa, please. Makakatulong  po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30





No comments:

Post a Comment