Tuesday, April 30, 2019

SAGARANG PANLOLOKO PARA KAY POE


Image result for images for grace poe
Ayon sa balita sa https://news.abs-cbn.com/news/04/30/19/villar-poe-share-lead-of-likely-senate-winners-roxas-out-pulse-asia, number one pa rin si Poe kasama si Sen. Cynthia Villar sa mga kandidato sa pagka-senador.

Pilit tayong ginagawang gago. tanga ng mga ito.

Sinabi ko na minsan, uulitin ko na naman: Anim na taon nang senador si Poe pero HANGGANG NGAYON, WALANG NABABALITA ni isang programa o proyekto niya na nailunsad at patuloy na nakakatulong sa mga mahihirap.

Dalawang linggo na lamang eleksiyon na. Pero WALA pa rin kahit ISA na malaking grupo na nagpahayag na ng suporta sa kaniya. May narinig ako minsan na commercial na 51 na KUNO ang nagawang batas ni Poe. Pero kahit isa, walang binigay na halimbawa.

At para walang maloko at sa kaalaman ng mga hindi gaanong nakakaintindi, PANUKALANG BATAS O BILL LAMANG ang ginagawa ng senador. HINDI ganap na batas. Pumasa man ang bill se Senado, MAHABA pa ang proseso bago ito dalhin kay Pangulong Digong Duterte upang mapirmahan. Magiging batas lamang ang bill kapag napirmahan na.

Si Poe ang isa sa mga tumutol para bigyan ng emergency powers si Digong upang mabilis na masolusyunan ang trapiko. Inimbestigahan ni Poe ang Mamasapano massacre pero HINDI niya isinapubliko ang detalye ng findings. Kaliwa’t-kanang imbestigasyon ang ginawa ni Poe pero kahit isa walang naparusahan.

Suma total, WALANG DAHILAN, AS IN NONE, upang patuloy na maging number one si Poe sa sambayanan. Kung HINDI BAYARAN AY HARI/REYNA NG KATANGAHAN lang ang magsasabi at maniniwalang si Poe pa rin ang pinakamahal na senador ng bayan. Na may karapatan pa siyang magpatuloy bilang senador.

Kumontra na ang kokontra.
                                                          ***
May bago po tayong FB page, FREE-FOR-ALL. Silipin po ninyo sana at bigyan ng pagkakaton. AT makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30





4 comments:

  1. baka naluto na sa smartmatic ang resulta ng botohan, NAGAWA na nila noon, Ngayon pa kaya?

    ReplyDelete
  2. Ta kmag ank nya gumgwa ng survey d uunhin tlga sya ..dpt d tlga iboto yng animl n un tuta ng dlwan yn at aso ng mkbyn bloc yn

    ReplyDelete
  3. Di na paniniwalaan yang mga ganyan... Alam na ng sambayanan, mga FAKE NEWS ay naglipana sa mga GANID NA MEDIA...

    ReplyDelete
  4. Di na paniniwalaan yang mga ganyan... Alam na ng sambayanan, mga FAKE NEWS ay naglipana sa mga GANID NA MEDIA...

    ReplyDelete