Dapat ipaliwanag ni supervising Justice
Alfredo Benjamin Caguioa sa lalong madaling panahon kung SAAN NAPUNTA ang
P66-million protest fee na noon pang isang taon NABAYARAN NG KUMPLETO ni
Bongbong Marcos.
Itama ako ninuman kung mali ako: Ang P66
million ay PARA NA HANGGANG SA MATAPOS ang ni Bongbong laban kay Leni Robredo.
Pero HANGGANG NGAYON, TATLO PA LAMANG sa
humigit kumulang na 30 probinsiya na sakop ng protesta ni Bongbong ang
sumailalim na ng recount ng mga boto. ISANG TAON MAHIGIT matapos MAKUMPLETO ni
Bongbong ang bayad.
AYAW pa ring ilabas ang resulta ng recount.
WALANG ANUMANG GALAW O AKSIYON SA MGA DAYAANG NABISTO NA kahit may mga pisikal
ng ebidensiya. At LALONG WALANG ANUMANG INDIKASYON na sisimulan na ang hearings
para sa protesta.
Puwes, NASAAN ANG P66 MILYON? Magkano na ang
nabawas at NASAAN ANG IBA PA? SINO ANG
MAY HAWAK?
INAPURA, HALOS GIPITIN si Bongbong sa
pagbabayad. Tapos, MABAGAL PA SA PINAKAMABAGAL NA PAGONG ang takbo ng recount,
at ng protesta. Sagarang PANGAAGRABYADO naman na iyan kay Bongbong. At sa sambayanan, na SIYANG GUMASTOS para sa
2016 election at siyang may-ari ng milyon-milyong botong sakop ng protesta.
Sumagot na ang gustong sumagot. Siguruhin
lang na may detalye.
***
Makakatulong po ng malaki para araw-araw akong
makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid
ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us
all. 30
Wala na yun ipinagbubulsa na ng mga garapal na PET officials sa panumuno ni Caguioa.
ReplyDelete