Tuesday, July 3, 2018

MAGPALIWANAG KA O LUMAYAS KA, CAGUIOA!



INAAPURA din lang ni Leni Robredo ang Presidential Electoral Tribunal (PET) na aksiyunan na ang motion  for reconsideration (MR) niya para ibaba sa 25 percent ang ballot shading threshold, PANAHION NA RIN para magpaliwanag si Bongbong Marcos protest lead justice Alfredo Benjamin  Caguioa.

Una: Bakit PATULOY ANG NEWS BLACKOUT sa mga nangyayari araw-araw sa recount ng mga balotang sakop ng protesta ni Bongbong? ANO BA ANG KAILIANGANG ILIHIM sa sambayanan? Mga boto ng milyun-milyon sa sambayanan ang pinbaguusapan sa protesta. Buwis ng SAMBAYANAN ANG GINASTOS noong 2016 election, at ang PATULOY NA NAGPAPASUWELDO kay Caguioa. Tapos, HINDI PUWEDENG MALAMAN ng sambayanan kung ANO ANG NANGYAYARI sa mga boto nila? DAYAAN O KAWALANGHIYAAN LAMANG ang itatago ninuman mula sa sambayanan. Kung walang ganito, lalon g WALANG MATINONG DAHILAN para hindi ipaalam ang mga kaganapan.

Pangalawa: ANO O ANO-ANO ANG MGA NAGPAPABAGAL sa recount? At anong aksiyon o rekomendasyon na, KUNG MERON MAN, ang ginawa niya para matugunan ang mga ito at mapabilis ang proseso? Dahil sa news blackout, ni HINDI NATIN ALAM KUNG NAGTATRABAHO BA si Caguioa o hindi bilang lead justice ng protesta. KUNG GINAGAGO lang ba tayo o  hindi. Pero TULOY-TULOY ang suweldo at mga benepisyo niya MULA SA BUWIS NATIN!

Kaya MAGKALIWANAGAN na tayo, Mr. Caguioa. AMIN ang lahat ng karapatan na malaman ang LAHAT NG NANGYAYARI AT KATOTOHANAN. Kung AYAW MONG MAGPALIWANAG, LUMAYAS KA bilang lead justice ng protesta ni Bongbong. May kahhiyan ka pa naman siguro kahit kaunti. 30



6 comments:

  1. Walang kahihiyan yan, di nga nahihiyang tumatanggap ng sahod wala namang ginagawa

    ReplyDelete
  2. #BiasCaguioa
    #ImpeachCaquioa
    #ResignNowCaguioa

    ReplyDelete
  3. Pakapalan na lang talaga ng mukha ang ginagawa ng hudas na Caguioa.Takot magsalita...e kung madulas nga naman,tapos na ang boksing!#biasCAGUIOA

    ReplyDelete
  4. Pakapalan na lang talaga ng mukha ang ginagawa ng hudas na Caguioa.Takot magsalita...e kung madulas nga naman,tapos na ang boksing!#biasCAGUIOA

    ReplyDelete
  5. CAGUIOA IS AN APPOINTEE OF ABNOY SO HOW CAN BBM GET A FAIR RESULT..They will just hocus-pocus it..that is their expertise..

    ReplyDelete
  6. Walang dapat na itago diyan Mula sa pagkuha at pabbukas dapat transparent sa publiko dahil tapos na Ang election at iyan ay paglalahad sa katutuhanan at iyan ay Alam na NG taom bayan dahil alam natin Ang ating ininuto.

    ReplyDelete