31 Jan. 2018
Garapalang BIAS o hindi pagiging parehas ang
ipinapakita ng Comelec sa kanilang PANANAHIMIK AT PAGBALE-WALA sa mga ibinulgar
na ebidensiya ni Bongbong Marcos ng pandaraya sa kaniya noong 2016
eleksiyon.
WALANG MATINONG DAHILAN para hindi nila
IMBESTIGAHAN AGAD ang mga inilahad ni Bongbong.
May mga EBIDENSIYA, DETALYADONG MGA EBIDENSIYA.
May mga pangalan, lugar at sistema ng pandaraya sa mga decrypted ballot images
na inilabas ni Bongbong. Mga ebidensiyang NABUO NOONG HALALAN, na Comelec MISMO
ANG NANGASIWA. Kaya alam ng Comelec kung
SINU-SINO ang mga dapat imbestigahan.
Mula Smartmatic, hanggang sa mga tauhan
nilang naka-duty sa mga presintong pinagmulan ng mga ebidensiyang nadiskubre ni
Bongbong. Pero hanggang ngahyon, WALANG PAHAYAG ang Comelec na NAGTAKDA na sila
ng hearing o imbestigasyon, o kaya ay IPINATAWAG AT PINAGPAPALIWANAG na nila
ang mga dapat magpaliwanag. WALA rin silang pahayag kung bakit hindi sila kumikilos.
Itama ako ninuman kung mali ako.
Walang dapat magreklamo sa Comelec kung
dumating ang oras na lantaran at derechahang akusahan ninuman ng pagiging
KASABWAT SA DAYAAN.30
No comments:
Post a Comment