25 Jan. 2018
TATLONG TAON na ang nakalilipas mula
nang minasaker an g SAF 44 na parang mga
hayop sa Mamasapano. TATLONG TAON na ring HINDI PA NILA NAKAKAMIT ANG
KATARUNGAN!
Marami pa ring hindi nasasagot, o nalilinawan
ng HUSTO, na mga katanungan tungkol sa tunay na nangyari. Tulad nang bakit
WALANG DUMATING NA REINFORCEMENTS para sa SAF 44 bago sila napatay lahat. Kahit
na umaga pa lamang ay rumadyo na sila ng saklolo. At bakit HINDI RIN NAGPALIPAD
ng anumang eroplano o helicopter na pangdigma ang mga kinauukulan para
saklolohan ang SAF 44 kahit na maliwanag pa naman nang nasa kainitan na ang
labanan.
Higit sa lahat, bakit inabot ng
humigit-kumulang ng isang linggo si Noynoy Aquino bago Siya nagsalita tungkol
sa massacre. Para sa akin, iisa lang ang paraaan para matahimik na ng lubusan
ang SAF 44: LUMANTAD AT MAGSALITA na ang mga may nalalaman pang KATOTOHANAN na
hindi pa nabubulgar hanggang ngayon.
Tandaan ninyo, HINDI NA SI NOYNOY ang presidente.
HINDI NA RIN si Alan Purisima ang PNP chief. At iba na rin ang Armed Forces
chief of staff. Hindi na ninyo dapagt katakutan ang mga ito, o siinuman sa mga
tao nlla, kung magsasabi na klayo ng katotohanan.
Kung pagtatagalin pa ninyo bago kayo
magsalita, tatlo lamang ang maaaring mangyari sa inyo: IPAPATAY KAYO bago ninyo
magawa iyon, HINDI KAYO PATATAHIMIKIN NG INYONG KONSIYENSIYA o reputasyon ninyo
ang masisira pagdating ng araw dahil hindi kayo kumibo agad.
Isipin sana ninyo na sa pagkakapatay ng SAF
44 kay Marwan, pati mga mahal ninyo sa buhay ay NALIGTAS mula sa mga bombing ginagawa
ng demonyong teroristang iyon. The least you can do is help give them justice.
30
No comments:
Post a Comment