27 Jan. 2018
Sa mga patuloy na nangiinsulto kay Mocha Uson
dahil sa pagkakamali niya sa lokasyon ng Mayon Volcano: HINDI LANG PANGHAHAMAK,
PANGAAPI na ang ginagawa ninyo sa tao. Saan man makarating, o pagdebatehan,
hindi na tama iyan.
Inamin naman at nagsorry, agad si Mocha sa
pagkakamali niya. Tinanggap niya na
nagkamali siya. Wala namang nilabag na batas iyong tao at wala namang
naperwisyo sa nagawa niya. Kaya saang
korte man mnakarating, walang legal o moral na basehan para ulit-uliting insultuhin
at pagtawanan yung ale.
Lahat ng tao, as in no exceptions, nagkakamali
at nagkamali na ng hindi inaasahan na magagawa niya, sa iba’t ibang bagay. Sa
iba’t-ibang panahon o kabanata ng ating buhay. WALANG PERPEKTO SA ATIN! At siguradong sinuman sa inyong ayaw tigilan
ang naging pagkakamali ni Mcha ay AYAW ding maranasan ang ginagawa niyo ngayon
sa kaniya, kapag kayo naman ang nagkamali. Lalo pa iyong mga high blood sa
inyo, baka patayin pa ninyo ang mangaapi sa inyo.
Okay lang na mambatikos. Kahit batikusin o
punahin ang bawat sablay, bawat mali walang
masama, walang problema. Prero iba ang pagbatikos sa pangaapi. Kung
ganiyan ang takbo ng pagiisp ninyo, tiyakjin lang ninyo na hindi kayo aangal o
magwawala kapag kayo naman ang paulit-ulit na iinsultuhin sa hindi tamang
magagawa ninyo.
At kung sa akala ninyo ay mawawasak ninyo si
Mocha sa pangaapi ninyo, MALING-MALI KAYO. Lalo lamang ninyong PASISIKATIN yung
tao, lalo pa’t nagsorry naman agad. 30
No comments:
Post a Comment