30 Jan.2018
Para mas maintindihan ng nakararami ang
ibinunyag ni Bongbong na pandaraya sa kaniya noong eleksiyon, narito ang ilang
paliwanag mula sa Facebook post ng kinikilalang election at Information
technology expert na si Attorney Glenn Chong:
Dahil sa square overlay, malinaw na hindi na
magkapareho ang balotang papel at ang ballot image dahil sa balotang papel oval
ang nandoon at hindi square habang sa ballot image naman ay walang oval pero
meron namang square. Ang paglagay ng square overlay sa ballot image ay isang
uri ng tampering o pagbabago dahil hindi na makatutuhanan ang larawang
ipinapakita sa publiko kumpara sa orihinal na balotang papel ng botante. Ito ay
isang malinaw na patunay lampas sa makatuwirang pagdududa (proof beyond
reasonable doubt) na nagagawa nga ng Comelec at Smartmatic sa ballot images ang
anumang gusto nilang ipakita sa publiko.
Kung nakapaglagay sila ng square overlay sa
ballot images, posible rin silang makapaglagay ng marka mismo sa mga ovals na
hindi naman talaga ibinoto ng botante. Kahit hindi mo man ibinoto, kayang-kaya
nilang ipanalo. Ang ibig pala nilang sabihin – hindi madadaya ang kanilang
bulok na sistema ng mga taga-labas. Tanging mga taga-loob lamang ang maaring
mandaya. Kailan pumasok ang square overlay na ito? Pwedeng ang VCM (vote
counting machine) mismo, gamit ang
instructions mula sa SD card, ang naglagay ng square overlay. Pwede ring ang
decryption software (app) ang naglagay nito sa panahon ng decryption operation.
Pero kahit saang angulo natin tingnan, tampering pa rin ang kalalabasan.
May mga exhibits o larawan din ng pandaraya
na nilagay si Attorney Glenn sa kaniyang paliwanag. Sa sinundang blog nito na
pinost ko ilang oras pa lang ang nakakaraan, :BONGBONG’S SOLID PROOF OF
CHEATING.” Ito ang mga ibhinuyag ni Bongbong:
“Yung ibang balota kahit tatlo yung naka shade
sa Vice President basta’t may square sa pangalan ni Mrs. [Leni] Robredo,
binibilang po ang boto sa kanya. Ang question dito ano ang significance nung
kahon? Di ba lagi nila sinasabi itiman ang bilog na hugis itlog. Wala naman
sila sinabing kwadrado. Nawala yung oval, nawala yung itlog. Bakit nawala? Kung
titingnan ninyo yung ballot images, noong 2010, 2013 andun yung bilog. Dito sa
2016, nawala, nasan napunta at bakit nawala yon?”
Examples of the fraud: An image of a ballot
from San Nicolas, Iriga City, Camarines Sur showed that both the names of Leni
Robredo and Antonio Trillanes IV had a black shade. But only the shade beside
Leni’s name was inside a square. The vote summary later showed that
the vote was counted for Leni, even if it should have been rejected for
multiple marks. A ballot from Salvacion,
Tigaon, Camarines Sur, had marks for both Gregorio Honasan and Leni. But only
the one for Leni had a square beside her name. The vote summary eventually
showed that the vote was counted for Leni instead of being nullified.
I
n Jilocon, San Jose, Negros Oriental, a
ballot image showed that only Marcos’ name was marked. But in the summary of
votes, the ballot was classified as an undervote. “Bakit yung boto ko naging
undervote at hindi binilang? Bakit yung mga spoiled ballots ibinilang kay
Robredo” 30
No comments:
Post a Comment