Wednesday, January 10, 2018

TAMA NA DALDAL MACALINTAL, RECOUNT NA AGAD!

Image result for images of romy macalintal with leni robredo




11 Jan. 2018

Tama na ang puro DALDAL, Romy Macalintal! Kung talagang ang amo mong si Leni Robredo ang malinis na nanalo bilang bise-presidente noong 2016, TUMIGIL na kayo sa puro MOTION, PETITION at anupang PAMPA-DELAY at samahan ninyo si Bongbong Marcos sa panawagan niya para sa AGARANG SIMULA ng RECOUNT ng mga boto nilang dalawa.

Pinagpipilitan ninyo ni Leni na malinis ang panalo niya! Pero HALOS LAHAT, KUNDI MAN LAHAT, ng nangyayari kaugnay ng protesta ni Bongbong na MABAGAL PA SA PAGONG kung pagalawin ng justice-in-charge at BATA  ni Noynoy Aquino na si Alfredo Benjamin Caguioa, KINUKWESTIYON O PINAPAPATAGAL NINYO.

Halimbawa: Kung kailan kukunin na ng mga taga-Presidential Electoral Tribunal (PET) ang mga balota mula sa Camarines Sur na kasama sarecount, BIGLANG MAY PETISYON KAYO para makita ang pagbigay ng mga ito sa mga kukukuha. Pati na ang ma-eskortan ang delivery ng mga balota sa pick-up point ng mga taga-PET.  Natural na kailangang desisyunan muna ang petisyon ninyo bago masimulan ang pag pick up sa mga balota.

Inakusahan ninyo si Bongbong ng paggamit ng mga pekeng testigo sa hiling niya na mabale-wala ang naging halalan sa Lanal del Sur, Basilan at Maguindanao. Pero nang mapatunayan ni Bongbong na MALI KAYO, SUPALPAL AT TAHIMIK KANG BIGLA.

TINUTULAN NINYO ang decryption at printing ng mga ballot images mula sa mga SD cards na gamit noong halalan, bago ito pinayagan ni Caguioa sa kondisyon na si Bongbong ang gagastos ng lahat. Pumayag si Bongbong. Pero kinalaunan, BIGLA kayong may KAPAL NG MUKHA NA HUMINGI NG LIBRENG MGA KOPYA.

Bukod sa ;lahat ng mga ito, KABI-KABILA ang mga KADUDA-DUDANG PINAGGAGAWA ng Smartmatic noong eleksiyon at bilangan ng mga boto. Unang una ang HINDI AWTORISADONG PAKIKIALAM sa script ng transparency server, na nagresulta sa pagkawala ng halos isang milyong botong lamang ni Bongbong kay Leni sa loob lamang ng magdamag. At ang PAGAMIN ng Smartmatic na gumamit sila ng server na KAHIT SA COMELEC, HINDI NILA PINAALAM. Marami pa.

Pero BULAG, PIPI AT BINGI kayo sa lahat ng ito, Macalintal. Kahit minsan, hindi ninyo sinamahan sa Bongbong sa panawagan niyang ilabas ang mga ito para malaman ang KATOTOHANAN! Tapos, hanggang ngayon pilit ninyong kinokondisyon ang isip ng sambayanan na malinis ang  panalo ni Leni. HINDI KAMI TANGA, HINDI KAMI ESTUPIDO, Macalintal. Kayo ni Leni ang ESTUPIDO kung sa akala ninyo ay maniniwala pa sa salita lamang ninyo ang sambayanan. 30



No comments:

Post a Comment