Saturday, January 27, 2018

NILOLOKO NA TAYO SA DENGVAXIA!

Image result for images of dengvaxia


28 Jan. 2018

Kahit saang anggulo tingnan, NAGKAKALOKOHAN na sa KATARANTADUHANG DENGVAXIA

May mga kaso nang isinampa laban kay dating Health Sec, Janette Varin at dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa mga batang binakunahan ng Dengvaxia pero namatay fin na may senyales pa rin ng dengue. Kung tama ang pagkakatanda ko ay dalawa na.  Pero hanggang ngayon, WALANG NABABALITANG SISIMULAN nang kwestiyunin ang sinuman sa dalawa. Wala ring nababalitang schedule na simula ng anumang preliminary investigation kaugnay ng mga kaso.

Kahit na DUMARAMI na ang mga batang namatay na may senyales ng dengue ilang buwan matapois silang bakunahan ng Dengvaxia.

Nagrefund na raw ang Sanofi, na siyang gumagawa ng Dengvaxia, ng mahjigit P1 bilyon sa gobyerno  Pero maliban Senado, WALA ring nababalitang pinapatwag na sila ng anumang ahensiya ng gobyerno para kwestiyunin tungkol sa kaso. Wala ring balitang may naging aksiyon na ang Department of Health (DOH) para matiyak na walang makakaalis sa mga opisyales ng Sanofi dito sa PIlipinas na may kinalaman sa naging bilihan ng Dengvaxia.

WALA RING NABABALITANG kahjit isang empleyado o opisyal ng DOH na may kinalaman sa transaksyon na iniimbesitgahan o pinagpapaliwanag na, o nilagay sa preventive suspension.   Sanofi lang ang laging binabanatan sa mga balita. Samantalang  sa DOH nanggaling , mula sa PERA NATING SAMBAYANAN, ang P3.5 BILYON na ibinayad sa Sanofi para sa Dengvaxia.


Sa kahat ng ito, itama ako ninuman kung may mali akong naisulat. Sumagot na ang gustong sumagot.30

No comments:

Post a Comment