02 Jan. 2018
BINABAON NA SA LIMOT ang Dengvaxia scandal.
Matapos ang imbestigasyon sa Senado at ilang
reklamo ng mga magulang ng mga batang nagka-dengue pa rin kahit binakunahan na
ng Dengvaxia, WALA nanganumang naging balita kung ano na ang bago sa naturangh
iskandalo.
Kinasuhan na si dating Health Sec. Janette
Garin at dating Pangulong Noynoy Aquino (2 beses na kung tama ang pagkakatanda
ko) ilang linggo na ang nakakaraan. Pero
WALA nang nabalita na SIMULA, O ITINAKDA nang mga hearing o preliminary
investigation tungkol dito. WALA ring
nababalita na hiningan na ng affidavit o statement ang dalawa para sa kanilang
panig.
Sa Department of Health, WALA pa ring
nababalitang resulta ng anumang imbestigasyon –kung mayroon mang ginawa – sa mga
taong may naging papel sa pagbili ng Dengvaxia . Ni HINDI PA NGA alam ng PUBLIKO
kung sinu-sino ang lahat ng mga ito.
WALA na ring nababalita tungkol sa kalagayan sa
kasalukuyan ng mga batang nagka-dengue pa rn kahit nabakunahan na ng Dengvaxia
--- gumagaling na ba o lumalala,
WALA NA
ring balita tungkol sa gumawa ng Dengvaxia, ang Sanofi Pasteur –tumutulong
na ba sila sa gastusin ng mga batanghnagka-=dengueulit o hindi, naglabas na ba
sila ng anumang dokumento tungkol sa naging transaksiyon o hindi pa, may
aksiyon na bang ginawa ang Department of Health (DOH) o wala pa.
Kahit sa national o mainstream media, WALANG
LUMALABAS NA BAGONG BALITA na mismong reporter ang nagisip o gumawa. Kung
walang press release ang sinumang opisyal o opisina, WALANG BAGO. WALANG ENTERPRISE
o sariling sikap na storya.
Sabi nga ng mga kabataan ngayon,. ANYARE? O
sa Ingles, WHAT GIVES? 30
No comments:
Post a Comment