Saturday, December 31, 2016

HINDI KAMI BATANG MUSMOS, DE LIMA!

Dec. 31, 2016
HINDI KAMI BATANG MUSMOS, DE LIMA!

In a story in gmanews.tv, Leila de Lima was quoted as saying in her criticism of the anti-drug war: “Paano nga ba magdiwang ng (Bagong Taon) kung nagpapatuloy ang patayan at kawalang katarungan sa lipunan?” Hindi kumagat ang photo release ng nakaluhod siya sa simbahan o ang pagpunta-punta sa iba-ibang eskuwelahan kaya DRAMA NAMAN ang papansin gimik ni De Lima ngayon.

HINDI IKAW ANG SUKATAN kung wala nang katarungan o mayroon pa, Ms. De Lima. Oo, senadora ka, pero ISA KA LAMANG sa mahigit 20. Abugada ka kaya ALAM NA ALAM MO RIN NA WALA KANG LEGAL NA KAPANGYARIHAN O KARAPATAN NA MAGHUSGA NG GANIYAN. Lalo pa kung ang EBIDENISYA MO AY SALITA O OPINYON MO LAMANG.

De Lima was also quoted as saying: ”May mga kababayan tayong pinatay, bago pa man bigyan ng pagkakataong magbagong-buhay.” Pero WALA SIYANG BINANGGIT  ni isang pangalan ng mga pinatay, ni saing insidente ng pagpatay, sinu-sino ang kasangkot at iba pang detalye. SALTA LAMANG NIYA ULIT.  Basta meron, tapos.

HINDI BATANG MUSMOS ang buong Sambayanan, Ms. De Lima. Batang musmos lamang ang maaaring mapaniwala kahnit salita lamang. Pero kaming mga adults, ALAM NA ALAM NAMIN ANG KAHULUGAN, AT KAHALAGAHAN, NG EBIDENSIYA ng anumang pahayag o batikos. Hindi mo kami MALOLOKO. Lalo pa’t WALA ka namang inilalabas na anumang pruweba hanggang ngayon na pawang kasinungalingan lamang ang mga akusasyon laban sa iyo kaugnay ng illegal drugs.

Panghuli, BAKIT kahit kalian ay HINDI mo maatake ang mga pusher at mga drug lord? Ni isang salita ng atake, WALA KANG MASABI laban sa kanla. Samantalang SILA ANG PINAGMUMULAN ng droga, at ng LAHAT NG KRIMEN na nagiging bunga ng pagka-addict dito. Iyung lumulutas sa problema, iyon ang WALA kang tigil sa pagbanat. Iyung lumulutas ng problema, iyon ang ayaw mong tantanan, at suportahan. Anong dahilan, Ms. De Lima? 30





No comments:

Post a Comment