Wednesday, December 28, 2016

MAS MAKATAO SI DIGONG, KESA KAY LENI

Dec. 28, 2016
MAS MAKATAO SI DIGONG, KESA KAY LENI

Kitang-kita na ang ebidensiya –MAS MAKATAO si Presidente Digong kesa kay Leni Robredo.

Si Digong na HINDI BICOLANO, humarap na sa mga biktima ni bagyong ‘Nina’ sa Virac, Catanduanes. Kanina. Kahit na puwede na lang niyang utusan ang kahit kahit na sino, mas ginusto ni Digong na siya mism ang magpunta. Si Leni na siyang Bicolana, nagutos na kuno sa mga tauhan niya.

Taga Davao City si Digong , pero pinili na sa Malacanang salubungin ang 2017 para matutukan at mapadali ang tulong sa mga biktima ni ‘Nna.” Si Leni, ni HINDI MASABI KUNG KAILAN SIYA UUWI mula sa kaniyang bakasyon sa Amerika.

Si Digong, may malinaw na plano na kung ano ang gagawin niya para mas mabilis na matulungan ang mga biktima ni ‘Nina.’  Sa isang storya sa gmanews.tv, nihayag ni Digong na “we will be meeting in Malacañang.  It’s either tomorrow or a day after. We would be spending the rest of the days towards the end of the year …working on the so many things that you would need. So what I can assure you is that based on the money that we have, we will make the restoration and giving of assistance immediately. We will not wait for the New Year.”

Si Leni, matapos ang press release na kumikilos na ang mga tao niya kuno sa pamimigay ng relief goods at sa pagrtulong s aiba pang bagaty, WALA nang masabi ulit kung ano na ang nagawa nla at gagawin pa. Uulitin ko, ni hindi masabi kung kalian siya uuwi.

Ang magsasabing mas makatao pa rin si Leni kesa kay Digong, siguruhin lang na may dsetalyeng masasabi. 30


No comments:

Post a Comment