Thursday, December 1, 2016

PAG DUMAMI ULIT PUSHER, KAYO MAGPAKULONG, HA!

Dec. 01, 2016
PAG DUMAMI ULIT PUSHER, KAYO MAGPAKULONG, HA!

Sa mga patuloy na bumabatikos sa anti-drug war ng Duterte Government, kapag dumami ulit ang mga pusher at adik, sigurihin lang ninyong KAYO ANG MAGPAPAKULONG, HA, at WALA kayong ibang sisisihin. Lalo na ang gobyterno.

Kahit na ang nakararami na sa taongbayan ang sumusurpota sa anti-drug war, AYAW PA RIN NINYONG MANAHIMIK, muna. NAKITA NATING LAHAT ang pagsuko ng humigit-kumulang sa 700,000 pusher at adik. Bagay na HINDI NANGYARI KAILANMAN sa panahon ng kapangyarihan ni PNoiy at ng iba pang dating opisyales ng gobyerrno, HIGH SCHOOL STUDENT man ay maiisip na ILANG LIBONG KRIMEN pa kaya ang naganap KUNG HINDI SUMUKO ang mga ito. Pero KAHIT KAILAN, HINDI NINYO KINILALANG LAHAT ang katotohanang ito.  Bumaba ng huimigit-kumulang sa 40 o 50 porsiyento ang bilang ng ordinaryong krimen nang simulant ang giyera sa droga. Pero ni isan gsalita ng papuri, wala kayong sinasabi.

Human rights ang pilit ninyong sinisigaw kapag may napapatay  na pusher o drug trafficker. Pero kapag ang pusher o drug trafficker ang pumatay ng pulis o inosenteng sibilyan, o nanggahasa o nagnakaw sa mga ordinaryong tao, TAHIMIK PA KAYO SA SEMENTERYO sa madaling araw. PUSHER O DRUG TYRAFFICKER/DRUG LORD lang ang may human rights, ganun ba?

Kapag may napatay nma pusher o drug trafficker/drug lord, SINALVAGE AGAD ang sigaw ninyo. Kahit na Iniimbestigahan pa, ang banat agadx niyo sa media ay hindi tutoo ang pahayag ng pulisya na nanlaban. WALA ng imbe-imbestigasyon para sa inyo. KASALANAN AGAD NG PULIS. SADYANG PINAY NG PULIS, PERIOD! Hindi ko sinasabi, at kailanm,an ay hindi ko sasabihing 100 percent inosente ang pulisya. Pero maliban sa iilan, klung saan ang kwestyonableng pangyayari ay nasa video na kapamilya o kapitbahay ng biuktima ang may kuha at HINDI KAYONG MGA NANGUNGUNA SA PAGREKLAMO, WALA rin naman kayong mapatunayan sa mga sinasabi ninyo.  


\Higit sa lahat, walang tigil ang banat ninyo kay Digong pero WALA rin naman kayong masabinG MAS EPEKTIBOING SOLUSYON laban sa droga. Kaya kung sakaling sa tuloing ni Satanas ay manaig kayong bigla, KAYO ANG MAGPAKULONG, HA, HINDI ANG MGA PUSHER o drug trafficker/ drug lord. Mabiktima rin sana ng droga ang mga mahal ninyo sa buhay. Saka natin tingnan ang tunay na tapang, at kapal ng mukha ninyo, kung hanggang saan. 30 

No comments:

Post a Comment