Dec. 27, 2016
NILOLOKO NA TAYO NG OVP SA ‘NINA’!
Magpapalusot na
rin lang sa pagkawala niya sa Bicol noong bagyong ‘Nina’ ay NILOLOKO pa ng Office
of the Vice-President (OVP) ang sambayanan.
Sa isang istorya
sa gmanews.tv, sinabi ni OVP advocacy and programs officer Raffy Magno na: "Bago
pa po pumasok ang bagyo, si Vice President Leni (Robredo ay) nagpatawag na siya
ng coordination meeting sa lahat ng staff involved sa relief operations to
conduct initial assessment sa mga damaged areas in coordination with barangays
and local government units.” Pansinin ninyo,mga kababayan, BAGO PA PUMASOK ANG
BAGYO.
ANONG DAMAGE ANG
IA-ASSESS KUNG WALA PA NAMANG BAGYO? At kung may hihirit na hindi lokohan ito,
paki-paliwanag din ito: Sinabi pa ni Magno na "Bago pa pumasok yung bagyo
naka-set up na iyong response team ni VP Leni dito sa Naga.”
Dumating si “Nina”
noong Linggo, Christmas Day. Pero LUNES NA nang inilunsad ng OVP ang kanilang "Task Force Tindog Bikol,"
na siyang magco-coordinate sa mga relief operations. Samantalang BIYERNES pa
lamang ay nababalita ang magiging pagdating ni ‘Nina.” Kung talagang nakahanda na sila, BAKIT HINDI
AGAD IBINALITA ng OVP ang kanilang Mga preparasyonat ang task force? Kung kalan
NATITIRA NA SILA sa social media saka nila sasabihing kesyo ganun kesyo ganito
na ang ginawa nila. Gusto pa tayng Sambayanan na GAWING TANGA!
Kumontra na ang kokontra.
30
No comments:
Post a Comment