Tuesday, December 27, 2016

BAKASYON NI LENI, DAPAT IDETALYE!

Dec. 28, 2016
BAKASYON NI LENI, DAPAT IDETALYE!

Dalawang tao na ang nagsasabi sa akin na may mga bali-balitang bukod sa kaniyang 3 anak, MARAMI PA DAW KASAMA si Leni Robredo sa kasalukuyan niyang bakasyon sa New York sa Amerika. Mga kapamilya daw/kamagaanak, pati mga yaya.  Kasalukuyan na raw itong namimiuli ng mga signature, o mga SUPER MAMAHALIN NA KILALANG gown at iba pang damit. At pagkatapos pa raw ng Bagong Taon ito nakatakdang umuwi.

Lilinaiwn koi na agad, HINDI KO SINASABING TUTOO ang mga balita-balitang  ito. Pero DAPAT ILAHAD ni Leni ang mga detlaye ng kaniyang biyahe – ilan ang talagang kasama, saan sila tumutuloy at MAGKANO INABOT ANG KABUUANG PAMASAHE AT SAAN at nagastos, at SAAN NANGGALING ANG PERA? KARAPATAN ng taumbayan na MASIGURADO na hindi pera ng bayan ang ginagastos ni Leni sa kaniyang bakasyon. Sa mga hihirit ng bakit dapat  magpaliwanag si Leni:

Hindi magkakaroon ng mga bali-balita kung walang naging basehan, o pinagmulan.  Tumingin ako sa google ng magkano ang pinaka-murang pamasahe ngayon Manila-New York. Ang pinaka-murang naita ko ay P68,492 ang isa, economy class pa.  At malamang kesa hindi, dahil bise-presidente siya ay hindi sa economy lamang pumuwesto sina Leni.  Kung silang apat na magiiina lang ay aabot ng P273,968. Hindi pa kasama ang gagastusin sa tutuluyang hotel,   pagkain at gastos sa pamamasyal, pang-shopping para sa mga sarili nilang magustuhan at mga pasalubong   

Ayon sa website na businessinsider.com, ang New York City ang PINAKAMAHAL NA SIYUDAD sa buong Amerika. Kaya’t kung silang magiina lamang ay ligtas isipin na kung mga P1 milyon lamang ay aabotang gastos ni Leni. BAKASYON LAMANG IYAN, mga kababayan. Hindi opisyal na biyahe kaya’t IMORAL kung pondo ng bayan ang ginamit. Kung tutoong maraming kasama si Leni at SIYA ang nagbayad ng lahat ng pamasahe, isipin ninyo kung magkano aabutin ang gastos.

Can Leni afford spending P1 million or more on a vacation alove?

Hanggang sa maging bise-president esiya, ORDINARYONG TAO LAMANG siLeni. Walang nabalita na may dinekjlara siyang negosyo o mgha negosyo na kumikita ng milyun-milyon buwan-buwan o taon-taom. Hindi rin siya nakilalang multi-milkyoraryang negosyante, o asawa ng isang multi-milyonaryang negosyatne, bago siya napasok sa pulitika. Itama ak,o ninuman kung mali ako

Inuulit koi, karapatan ng sambayanan na masigurado na hindi pondo ng bayan ang ginagastos ni Leni sa kaniyang bakasyon sa New York. 30








No comments:

Post a Comment