Saturday, September 22, 2012

M’canang, quiet na sa Enrile-Trillanres


From: Pilipino Star Ngayon
           philstar.com 

Tumanggi na kahapon ang Malacañang na magkomento sa ‘word war’ sa pagitan nina Senate President Juan Ponce Enrile at Sen. Antonio Trillanes.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi na muna sila magkokomento lalo na sa usapin kung “unparliamentary” ang ginawa ni Trillanes na harapang pagbatikos sa liderato ni Enrile.

Ilang mambabatas ang nagsabi na bukod sa ‘unparliamentary’ walang res­peto at walang galang sa nakakatanda si Trillanes.

Tumanggi rin si Valte na kumpirmahin kung tuloy pa rin ang gagawing patagong pakikipag-usap ni Trillanes sa China.

“That I do not know at the moment. Ultimately, that is the President’s decision and as the President said yesterday, he is yet to speak in person to Senator Trillanes,” ani Valte.

Ipinagtanggol ni Valte ang Malacanang tungkol sa mga batikos kaugnay sa kawalan ng transpa­rency sa patagong pakikipag-usap ni Trillanes sa gobyerno. Sinabi nitong napaka-sensitibo ng mga sangkot na isyu kaya nanatili itong ‘confidential’.###

No comments:

Post a Comment